^

PSN Showbiz

Joross, nilalaro na lang ang mga eksena sa Hoy…

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joross, nilalaro na lang ang mga eksena sa Hoy�
Joross
STAR/ File

Bilang isang magulang ay hindi na­ging madali para kay Joross Gamboa ang mga responsibilidad para sa dalawang anak na sina John Kody at Jace Tyler. Ayon sa aktor ay talagang binantayan nilang mag-asawa ang anak lalo na ngayong pumapasok na sa eskwelahan. “Totoong mahirap, no’ng first time mag-face-to-face class ng anak ko. Nanonood lang kami sa bintana, nagpi-picture, nagvi-video. Napag-uusapan naman ‘yon ng mag-asawa. Sa pagpapalaki ng mga bata, kailangan diyan magkakampi ang ama at ina. So dapat in agreement kayo kung ano ‘yung bawal. Hindi naman kailangang i-deprive sila sa mga bagay. Meron lang limit sa lahat ng bagay. And as long as mabigyan mo ng magandang foundation ang inyong mga anak, lalo na ilapit mo sa Diyos, ay hindi ka na masyadong magwo-worry dito sa mundong ito,” makahulugang pahayag ni Joross.

Ngayon ay muling napapanood ang aktor sa Hoy, Love You! sa pamamagitan ng iWantTFC. Bilang komedyante ay napapasabak din ngayon si Joross sa ilang dramatic scenes sa serye. “’Yung dramatic moments, after kasi ng iyakan, may comedy bigla na pasigaw. Tapos do’n ako napaos. Simula no’n puro salabat na ‘yung pinapainom sa akin. Actually, hindi siya mahirap, more of ti­ming kung kailan ka magpapatawa at kailan ka magseseryoso. ‘Yon ang challenge do’n. Sa amin naman lahat gano’n ‘yung moments namin. Hindi mo alam kung nagpapatawa or nakakatawa lang talaga kasi ‘yung sitwasyon pero seryoso ‘yung pagkaka-deliver namin. Pero ngayon parang nilalaro na naming lahat ‘yung mga eksena kaya mas fun,” nakangiting kwento ng aktor.

Masayang-masaya si Joross dahil naging matagumpay ang naturang online series. Talagang magkakatulong umano ang kanilang buong grupo upang mapaganda ang kanilang programa. “Collaboration lang sa set. Kasi hindi magwo-work ‘yung comedy kung mag-isa ka lang at walang receiver, walang tagasalo. Kailangan tulungan, pasahan,” pagtatapos ni Joross. (Reports from JCC)

vuukle comment

IWANTTFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with