^

PSN Showbiz

Alma, mahilig magsampa ng kasong libel noon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alma, mahilig magsampa ng kasong libel noon
Alma at Dina.

Alam mo ba na meron kaming pinagsamahan ni Dina Bonnevie. Kaya nagtataka ako na parang hanggang ngayon ay hindi pa naaayos ang libel case ninyo ni Dina Bonnevie, Salve.

Kasi sa showbiz, usually iyang mga ganyang pangyayari ang madalas nauuwi sa maayos na usapan.

Isa sa pinakamahilig mag-file ng libel case si Alma Moreno.

Madalas sa bugso ng galit, nauuwi sa korte ang galit ni Alma sa isang writer, pero later, nagkakaayos din and they end up as friends.

Pero dito sa kaso ni Salve kay Dina, nagtataka ako na hanggang ngayon pala hindi pa natatapos, ilang taon na ‘yun at nag-pandemic na.

Kung si Cherry Pie Picache nga napatawad ang nagkasala sa kanya na isang buhay ang nawala, palagay ko naman lalambot din ang puso ni Dina.

Ako ang kasama ni Dina sa US Embassy nang una siyang mag-apply ng US visa, at noong nag-uumpisa pa lang siya sa Regal Films kaya alam ko na mabait siya.

Siguro may dapat lang mag-explain kay Dina na kasama sa pagiging artista ang mga bagay na ikinagalit niya.

Matagal na iyon at siguro by now, humupa na rin ang galit niya. Basta ipakita lang kay Dina Bonnevie na walang bad intention at trabaho lang walang personalan ang nangyari.

In fact, madalas ka sa Victorino’s at Deo Gracias at isa ka sa humahanga sa kakayahan ni Dina bilang artista Salve.

At knowing Dina, to be fair and level-headed, sure ako na makukuha niyang magpatawad.

Let bygones be bygones, bury everything in the past and look forward to the future. Sana naman.

vuukle comment

ALMA MORENO

DINA BONNEVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with