^

PSN Showbiz

Bong, hindi lahat naipamigay ang mga papremyo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bong, hindi lahat naipamigay ang mga papremyo
Sen. Bong
STAR/ File

Ang daming pinasaya ni Sen. Bong Revilla nung nakaraang 56th birthday niya na ginanap sa farm nila sa Cavite.

Sinalubong nila ito nung Sabado ng gabi na kung saan ay dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz at pulitika.

Pero ang highlight talaga ng kanyang kaarawan ay ang pamimigay niya ng regalo sa follo­wers at supporters, ang Alyas Pogi Birthday Give­away na ginanap rin sa kanyang farm sa Cavite nung Linggo ng hapon.

Kaya lang, pumapasok na nung araw na ‘yun ang bagyong Karding at kitang-kita sa kanyang Facebook live na nadi-distract si Sen. Bong sa malakas na hanging humahagupit sa kanila.

Bago pa lumakas ang bagyo, tinapos na niya ang pamimigay ng regalo. Kaya hindi na niya napamigay ang ibang papremyo. May natira pa raw siyang limang motorsiklo at gadgets.

Pero may nanalo na sa dalawang kotseng pinamigay niya at kahit umuulan nang malakas nung Lunes, personal niyang hinatid ang kotseng napanalunan ng isang taga-Imus, Cavite.

Ang isa namang winner ng Suzuki S Presso ay taga-Cotabato at nangako rin ang senador na sasama siya sa paghatid sa naturang lungsod.

Inabot na ng gabi si Sen. Bong sa pag­hatid ng napanalunang kotse, at sobrang tuwa niya dahil nakikita raw niya kung gaano kasaya ang mga taong nanalo ng mga pa-giveaway niya.

Kaya sinabi nga ni Sen. Bong na panata na raw niya ‘yun. “Baka sabihin ng iba na ginagawa ko ito dahil sa pulitika. Wala po itong halong pulitika, o may ambisyon po ako. Wala po! Panata ko na po ito. Kaya tuluy-tuloy na po ito na mapasaya ko ang ating mga kababayan,” pahayag ni Sen. Bong pagkatapos niyang mahatid ang kotseng napanalunan ng babaeng taga-Imus.

Lisa Macuja, ibabangon ang Ballet Manila

Pormal nang binuksan ang Aliw Theater, at sa Oct. 7 at 9 ay may live show nang ipalalabas, bale ang pagbabalik ng Ballet Manila ni Ms. Lisa Macuja-Elizalde.

Tamang-tama ang titulo ng show – Rise – dahil sabi nga ni Ms. Lisa: “We are rising from the ashes.”

Pagkatapos masunog ang Star City at nadamay ang Aliw Theater, nagawa na ito at ipinagmamalaki nilang bukas na ang naturang theater at puwede nang mag-show doon. “We have opened the Aliw Theater already. But the first live performance with full orchestra, it’s going to be a pop concert. It’s going to be a ballet and it’s going to be combined all different aspects of the performing arts. It’s going to become into one performance with Rise. Oct 7 and 9.

“So, the title is Rise because we are rising like a phoenix,” napapangiti niyang pahayag.

Tampok dito sa Rise si Bituin Escalante, ang award-winning opera singer na si Jade Riccio, at full orchestra sa baton ni Maestro Gerard Salonga.

Ipinagmamalaki ni Ms. Lisa ang bagong Aliw Theater na medyo binawasan lang nila ang capacity, pero mas maraming function rooms na puwedeng gamitin sa ilang events. “The new Aliw Theater. We now have different innovations. Meron na kaming LED screen sa likod. We have the orchestra pit. We have the huge stage, and we have better acoustics.

“Kailangan talaga merong orchestra. Kasi Aliw Theater has the largest orchestra pit in the Philippines. So, we had to show how hardworking the theater is as well.”

Kaya abangan sa Oct. 7 ng 8 ng gabi at sa Oct. 9 ng 5 ng hapon.

Makakabili ng ticket sa Ticketworld, o puwede nyong i-check sa www.ticketworld.com.ph o tumawag sa 88919999.

Alden at Bea, ‘di pa masyadong suportado sa rating

Nagsimula na ang Start-Up Ph nina Alden Ri­chards at Bea Alonzo nung nakaraang Lunes.

Pero ewan ko lang kung todo ang suporta ng fans nila dahil 9.7 percent lang ang rating nito.

Inaasahang papalo pa ito at lalo pang tumaas.

Nung hapon ding ‘yun ay nagsimula naman ang bagong afternoon drama na Nakarehas na Puso nina Jean Garcia, Claire Castro, Michelle Aldana at Leandro Baldemor.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with