Super fav ni Jinkee na K-drama actor, may fan meeting sa MOA
Pinoy fans Malaki na ang nagastos...
Talagang parang mauubusan ng datung ang Pinoy fans ng mga Korean actor and singer.
Ang latest na darating sa bansa, si Ji Chang-wook na super favorite ni Jinkee Pacquiao.
Ito ang kinumpirma ng kanyang talent agency.
Bukod sa Pilipinas, pupunta rin sa Indonesia si Ji Chang-wook.
Pero sa Manila, gaganapin ang Reach You fan meeting ni Ji Chang-wook sa Nov. 6 sa SM Mall of Asia Arena.
Pero sisimulan niya ang fan meeting sa Seoul sa Oktubre 23.
Sunud-sunod ang dating sa bansa ng mga Korean idol though hindi naman lahat ay sold-out lalo na ‘yung ibang K-pop concert.
Pero ubusan talaga ng pera ang peg ng fans ng mga K-drama.
Grabe.
- Latest