^

PSN Showbiz

Markus, inaming halos isang taon na silang hiwalay ni Janella

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Markus, inaming halos isang taon na silang hiwalay ni Janella
Markus, Jude at Janella
STAR/ File

Ngayong kinumpirma na ni Markus Paterson na halos isang taon na pala silang hiwalay ni Janella Salvador, ibig sabihin matapos lamang ang ilang buwan nang iuwi nila rito ang kanilang anak na si Jude Trevor, hiwalay na pala sila. Parang nagsama lang sila hanggang sa manganak si Janella noon, tapos hiwalay na rin agad.

Nagsimulang umugong ang usapan nang aminin ni Janella na siya ay isang single parent na sa kanilang anak. Walang sinabing dahilan si Janella. Napilitan naman si Markus na amining isang taon na nga silang hindi nagsasama, pero wala ring ibinigay na dahilan.

Mukhang pareho silang hindi pa handa para pag-usapan ang kanilang naging problema. Kasi naman nabuo ang kanilang relasyon noong mga panahong bata pa sila talaga para maging seryoso sa buhay. Si Janella naman noong maging syota ni Markus ay kagagaling lamang sa isang hindi magandang relasyon sa dati niyang boyfriend na si Elmo Magalona.

Magulo iyon at walang dudang may epekto pa kay Janellla hanggang sa ngayon.

Ang sinasabi lang ni Markus na kaibahan ng kanilang hindi pagkakasundo, “hindi ko pinagbuhatan ng kamay o sinaktan si Janella.” Ang masakit nga lang hindi mo masasabing silang dalawa lang ang concerned sa nangyayari sa kanilang buhay, dahil anuman iyan, may epekto tiyak iyan sa magiging buhay ng kanilang anak.

Ano ang sasabihin ng bata kung lumaki na tungkol sa kanyang mga magulang.

Gabby, gustong maging bampira

Matapos na muling pumirma ng kontrata si Gabby Concepcion sa GMA Network, nagsabi siyang para maiba naman, gusto niyang gumanap sa role ng isang bampira, parang si Dracula. May ilang horror films na rin namang nagawa si Gabby in the past, pero wala pa nga yata siyang nagiging role na siya mismo ang bampira.

Noong araw kasi ang lagi nilang napapansin ay ang maamong dating ng mukha ni Gabby, hindi siya pinagagawa ng ganoong character. Pero ngayon dahil sa kaalaman sa prosthe­tics, at maging sa digital imaging, madali nang gawin iyan.

Baka dahil sa mga bagay na iyon at para maiba naman kaya naisip ni Gabby ang ganoong role.

Pero sa tingin namin, iyang muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA 7, wise decision na masasabi. Hindi lang ang GMA ang pinakamalakas na istasyon ngayon dahil bukod sa kanilang transmitting ­power, magdadagdag pa raw ng mga digital stations para maabot na ang 97% ng buong populas­yon ng bansa.

Beteranang aktres, nakikipag-car fun na rin

Nakakagulat, “nakikipag-car fun” na rin pala si Mommy ngayon. Iyang sinasabing “car fun” gimmick iyan ngayon ng mga kabataang nagpapalipas ng init ng katawan sa kotse nila, na nangyayari sa high-end areas.

Madalas din ganyan ang ginagawang katuwaan ng mga bading sa mga nadadampot nilang bagets.

Hindi namin akalain na ang beteranang aktres na mahilig sa bagets, nakikipag-car fun na rin pala ngayon.

vuukle comment

MARKUS PATERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with