^

PSN Showbiz

Billy, 15 years bago nakabalik sa GMA

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Billy, 15 years bago nakabalik sa GMA
Billy Crawford.

“Ako’y pambansang katrabaho,” ayon kay Billy Crawford kahapon kung saan formal na siyang ipina­kilala bilang host ng The Wall Philippines na mapapanood sa GMA 7.

After 15 years nga ay nagbalik si Billy sa GMA 7.

Noong 2007 ang huling programa ni Billy sa GMA, Move! The Billy Crawford’s Search For Pinoy Dancers.

Pero matagal siyang naglagi sa ABS-CBN. At nang nawalan ito ng franchise ay napanood siya sa TV5.

Joint venture ang The Wall Philippines ng Kapuso Network at ng Viva Television at mapapanood ito umpisa sa Aug. 28, Sunday, 3:35 p.m.

Pag-amin niya hindi siya magsasawang sabihin na “Feel at home ako. Pakiramdam ko na-renovate ang bahay ko.”

Tinuturing niya ring napakalaking biyaya ang dumating ang pagbalik niya sa lumang bahay na naging tahanan din niya nang ilang taon kasama ang kanyang tatay sa showbiz, ang yumaong si German “Kuya Germs” Moreno.

“Nung pumasok ako, unang araw pa lang, nagpo-promo shoot kami sa GMA-7 building, tumingin ako pero nakasarado na, pero dun kami nagre-rehearse para sa That’s Entertainment before,” pag-amin niya.

“Saktong-sakto, this collaboration between Viva and GMA has given me, as a host and as an artist, an opportunity again to be freelance and to be able to work with kahit sino dito sa industriya natin,” hirit pa ni Billy dahil napapanood din siya sa LOL na umeere sa TV5.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with