^

PSN Showbiz

John Lloyd, aprub sa mga kamag-anak ng karelasyong artist

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, aprub sa mga kamag-anak ng karelasyong artist
Isabel at John Lloyd.

May isa kaming nakatsikahan na kilala mismo ang rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Reyes Santos na apo ng fine arts painter na si Malang Santos.

Mabait daw si Isabel at very simple.

Mahilig sa paintings si Lloydie, kaya naman hindi nakakapagtakang nagkakilala ang dalawa.

Alam mo, Ateng Salve, grabe ang collection ni Lloydie ng paintings at doon pa nga lang ay masasabing napakayaman na ng lead actor ng GMA 7 sitcom na Happy ToGetHer. Bongga!

Mukhang boto ang kakilala ni Isabel sa sinasabing relasyon nila ni Lloydie dahil pinupuri rin nito ang aktor. Kaibigan din ng pamilya ni Isabel ang nakatsikahan namin.

Nice!

Rambo at Maja, inaabangan na ang kasal

Birthday kahapon ni Rambo Nuñez, fiancé ni Maja Salvador.

Magka-text kami kahapon ni Rambo at naikuwentong nag-birthday party na siya sa Studio 28 noong isang gabi. Kahapon naman ay may family dinner sila kasama si Maja.

Sabay rin kasi sila ng birthday ng ate niyang si Yanee Nuñez-Alvarez, kaya kahapon daw ay magkakasama sila ng kanyang pamilya.

Teka! Next birthday kaya ni Rambo ay mister na siya ni Maja since engaged na nga sila?

Sana!

Pops at Regine, balik-bayan na

Parehong umalis ng Los Angeles, California ng Wednesday sina Pops Fernandez at Regine Velasquez-Alcasid pero magkaiba ang sinakyan nilang eroplano.

Si Pops ay dumating sa ‘Pinas kagabi at kaninang 4:30 a.m. naman ang misis ni Ogie Alcasid.

Samantala, dahil ilang linggo rin silang magkasama sa Amerika dahil sa kanilang US concert tour, nag-dialogue si Sharon Cuneta na miss na niya kaagad ang kanyang “Nana” (paboritong tawag ng Megastar sa Asia’s Songbird).

‘Yun na!

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with