^

PSN Showbiz

Lorin, naka-1 million sa reunion sa tatay

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lorin, naka-1 million sa reunion sa tatay
Yilmaz at Lorin.

BEVERLY HILLS, CA. – Masaya ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin nang magkatsikahan kami kahapon.

“Tito Jun, more than one million views na ‘yung YouTube vlog ko sa pagbisita namin sa Istanbul. I’m so happy!,” sey ni Lorin.

Ang Returning to Turkey video sa kanyang YouTube channel na Lorin Gutierrez ang kanyang tinutukoy. As of 3:30 p.m. nga yesterday, may 1,109, 258 views na ‘yon.

Sa nasabing vlog ay nakiusap si Lorin na iwasan ang pagpuna sa kanyang pamilya lalo na at napaka-personal sa kanya ng reunion nila ng kanyang kapatid na si Venice sa tatay nilang si Yilmaz Bektas, pati sa mga kamag-anak nila sa bansang ‘yon.

So, kumusta naman ang comment?

“I’m happy, you should read it, puro mga positive,” sabi ni Lorin.

Halata sa panganay ni Ruffa na sobrang naa-appreciate niya ang mga positibong sinasabi ng kanyang mga follower sa muli nilang pagkakaroon ng maayos na relasyon ng kapatid na si Venice sa kanilang tatay.

Actually, Ateng Salve, pagdating naman talaga sa ganyang mga personal na bagay, lalo na at sine-share naman ni Lorin, sana lang ay i-appre­ciate na lang ng mga nanonood ng kanyang vlog at huwag nang magkomento ng negatibo, huh!

Saka nakaka-happy lang talaga na masaya si Lorin.

Anyway, nang magkausap naman kami ni Raymond Gutierrez, na kasama namin ngayon ni Lorin dito sa Amerika, masaya rin siya na napakaraming views ng vlog na ‘yon ng kanyang niece. “Yeah, I heard, more than a million na. Nice naman kasi ‘yung vlog. Nakaka-happy na panoorin,” ang sey ng very supportive uncle ni Lorin.

Naku, Ateng Salve, dapat watch mo na ang vlog ni Lorin at maraming very touching moment doon!

LGBT series nina Janine at Lovi, nag-world premiere sa Amerika

First three episodes pa lang ng Sleep with Me original iWantTFC series nila ni Janine Gutierrez ang napanood ni Lovi Poe sa world premiere ng proyektong ‘yon sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles, California noong Tuesday.

Sabi ni Lovi, lalo pa siyang nae-excite ngayon na mapanood pa ang three episodes ng Sleep with Me.

Si Janine Gutierrez naman na kapareha ni Lovi sa Sleep with Me, sobrang happy at proud sa magagan­dang sinasabi ng mga nakapanood ng kanilang iWantTFC series.

Alam mo, Ateng Salve, sayang nga at last minute ang desisyon ko na pumunta rito sa LA at wala nang makuhang tic­kets para sa world premiere ng Sleep with Me kaya hindi ko tuloy napanood ‘yon.

For sure, mangunguna kaagad ‘yon sa iWantTFC kapag nagsimula na silang mag-streaming on Aug. 15.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with