^

PSN Showbiz

Walang checkup since pandemic Ruffa, nahimatay sa sobrang pagod

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Walang checkup since pandemic Ruffa, nahimatay sa sobrang pagod
Ruffa Gutierrez.

Absent si Ruffa Gutierrez sa It’s Showtime noong Wednesday kung saan ay regular Sexy Authori-Team (judge) siya sa Sexy Babe segment ng show. So, may ilang friends ako na nagtanong kung bakit nag-absent si Ruffa lalo nga’t finals week na ng Sexy Babe?

Actually, noong Thursday and yesterday, nasa noontime show na uli siya.

Nagtanong muna ako kay Ruffa kung puwede ko bang ikuwento sa mga nagtatanong sa akin kung bakit siya nag-absent sa show at pumayag naman siya.

Alam mo ba, Ateng Salve, noong madaling araw ng Wednesday, Ruffa fainted. Kahit kami ng panganay niyang anak na si Lorin, pati na si Raymond Gutierrez, na mga kasama ko sa Beverly Hills, California ay sobrang nag-worry nang malaman namin ang nangyari sa kanya.

Sabi ni Ruffa, sunud-sunod din kasi ang trabaho niya kaya baka bumigay ang kanyang katawan.

Nagpahinga nga lang siya the whole day ng Wednesday at noong Thursday morning ay nagpa-check up sa kanyang doctor bago nag-It’s Showtime.

After ng show, nagpa-confine si Ruffa para sa iba pang mga test na kailangang gawin sa kanya. Bale overnight siya sa hospital at pagka-check out noong Friday morning at nag-report uli sa It’s Showtime.

Today, grand finals ng Sexy Babe at after ay magre-rest daw ng three days si Ruffa.

“Instead of going out of town, magpapa-exe­cutive check up ako sa _____ (pangalan ng health facility na pupuntahan niya). Recommendation ni Ate Amy (Perez) and Karylle.
“Since the pandemic, wala akong regular executive checkup, so, I’m going next week. Because as they say, health is wealth!”

So, bago ang premiere night ng Maid in Malacañang on Friday ay malalaman na ni Ruffa kung anumang problema niya sa kanyang health.

Alam mo ba, Ateng Salve, ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama, sobrang nag-worry nang malaman ang nangyari sa anak kaya panay ang paalala niya na mag-take ito ng vitamins.

Knowing Bisaya, I’m sure, sandamakmak na vitamins agad ang ipinadala niya kay Ruffa.

In fairness to her, noong bago ako umalis pa-Amerika, may pabaon na vitamins sa akin ang Gutierrez matriarch, huh!

Anyway, hindi lang si Ruffa ang magdya-judge today sa grand finals ng Sexy Babe dahil babalik din sa It’s Showtime si Bisaya para kilatisin ang grand finalists sa nasabing segment.

Bongga!

40th anniv concert ni Martin sa US, mabilis ang galaw ng tickets

Tiyak na matutuwa si Martin Nievera kapag nalamang napakaraming mga taga-Amerika ang susuporta sa kanyang M4D: Martin 4 Decades on Aug. 28 sa Walt Disney Concert Hall sa downtown Los Angeles, California.

May mga kaibigan kami na galing pa sa New York City ang bumili na ng tickets. May mga taga-Atlanta, Georgia rin na manonood.

Ang bongga lang dahil galing pa sa iba’t ibang lugar sa Amerika ang mga manonood sa 40th anniversary concert na ito ng Concert King, huh!

Feeling ko, Ateng Salve, magkakaroon ng repeat ang M4D dahil mabili nga ang tickets nito.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with