^

PSN Showbiz

Gina Pareño aminadong miyembro ng LGBTQ community sa edad na 75

James Relativo - Philstar.com
Gina Pareño aminadong miyembro ng LGBTQ community sa edad na 75
Kuha sa aktres na si Gina Pareño
Video grab mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz

MANILA, Philippines — Bagama't may edad na, taas-noong inamin ng aktres na si Gina Pareño na bahagi siya ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community — ito habang lumalawak ang pagtanggap sa kanila ng lipunang Pilipino.

Isiniwalat 'yan ng tinaguriang "Lola Gets" sa vlog ng tanyag na showbiz personality na si Ogie Diaz, Lunes.

"Oo, [LGBTQ] ako. Bakit, may problema?" nakangisi niyang wika kay Ogie sa YouTube video na in-upload kahapon.

"Tsaka, nagmamahal ako nang tapat."

 

 

Pagbabahagi niya, tapat niyang minahal ang aktres na si Nenita Vidal, na kilala rin sa pangalang "Dra. Bong."

Dahil mahalaga sa kanya si Dra. Bong, lagi't lagi pa niyang dala-dala ang urn ng yumaong aktres kahit sa mga taping noong aktibo pang umaarte si Gina. Hanggang ngayon ay nasa kwarto pa niya ang mga abo nito.

Malaki raw ang kanyang utang na loob kay Dra. Bong, lalo na't mabait daw ang nabanggit at maraming naituro sa kanya. Dagdag pa niya, naging close sila noon at nagustuhan daw ni Dra. Bong ang pag-arte ni Gina.

"Tapos 'yun nga, ibinigay niya sa akin 'yung naiwan niyang bahay... Mahal na mahal ako noon," sabi niya.

 

 

Hindi napigilan ng award-winning actress ang pag-iyak habang kinakapanayam at idinidiing gusto niya ulit bumalik sa pag-arte.

Si Gina ay nagkaroon ng tatlong anak. Ang panganay niyang lalaki ay pumanaw na habang pumasok na rin si Janica Pareño sa mundo ng showbiz.

Sa kabila nito, binanggit ni Gina na sarado na ang kanyang puso sa pag-ibig.

"Wala na po... Talagang wala na," wika niya.

"Maski 'yung nakakita ako ng may itsura... hindi [pumipintig 'yung puso ko]."

Bagama't senior citizen na, labis siyang sumikat sa social media platform na TikTok, kung saan 1.7 milyon na ang kanyang followers.

vuukle comment

BISEXUAL

GAY

GINA PARENO

LESBIAN

LGBTQ

QUEER

TRANSGENDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with