^

PSN Showbiz

‘Mahirap ang may sakit’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naku Salve dahil nanghina ako at napahinga sa hospital talagang naging erratic ang tulog ko. Madaling araw gising ako at walang magawa.

Ayaw ko naman magbasa dahil parang masakit mga mata ko.

Touched talaga ako sa concern nila Rhea Tan ng Beautederm, Cris Roque ng Kamiseta, Avec Amarillo ng Villar group dahil non-stop sila sa pag kumusta sa text.

Lalo na ang number 1 fan ni Bea Alonzo na si Leo Espinosa na talagang lumalaban sa kulam ni Bea sa akin, joke joke joke.

In a way, back to normal ako dahil miss ko na agad ang Take it, Take it... Me Ganon namin ni Mr. Fu na hindi umere kahapon dahil nagpapalakas pa ako.

Sayang naman, sana si Gorgy Rula, si Jerry Olea o sana si Salve mismo ang sumama muna kay Mr. Fu. Cute sana iyon dahil marami ka nang fans at kilalang-kilala na ang pangalan Salve.

Wawa naman si Mr. Fu. Hahaha.

Gusto ko na mag-check out kahit pa nga mami -miss ko for sure ang nurses at doctors ko dito sa hospital.

Sobra silang maasikaso at parang hindi sila papayag na hindi ako gumaling.

Bow talaga ako kay Dr. Florante Muñoz, Dra. Linga at Dra. Evangelista dahil wala silang tigil sa check up sa akin kahit pasaway ako na pasyente.

Saka siyempre ngayon ko feel na love ako ng mga angel ko sa heaven dahil heto alive and maldita pa rin ako, hah hah.

Pero no joke, pray for my recovery ha, ang hirap ng maysakit. Gusto ko superwoman ako, at the age of 75 ha, grabe noh, spoiled talaga. Amen.       

Cast ng Running Man PH, hinahanap kung saan nagti-taping sa Korea

Wow, talagang enjoy daw ang buong cast ng Running Man PH habang nagti-taping sa sinasabing ang biggest reality game show ng GMA-7 ngayong taon!

Ang kuwento, naging warm at hospitable naman ang SBS Korea sa pagtanggap sa cast members na pinangungunahan nina Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy De Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez.

Bongga, gusto ko itong mapanood pag umere na.

Ang sabi, nag-umpisa na sila ng taping.

Saan nga kaya sa Korea ginaganap ang kanilang challenges at sinu-sinong Korean stars ang makakasama ng cast members?

vuukle comment

ILLNESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with