^

PSN Showbiz

Pokwang at Rabiya, ‘tinatawanan’ na lang sina Jeric at Lee

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Iniwasan pag-usapan ang isyu nina Pokwang at Rabiya Mateo sa mediacon ng bagong game show nilang TiktoClock kasama si Kim Atienza na isang masayang game show.

Pero nilinaw naman ni Pokwang na nung last year o seven months ago pa sila naghiwalay ng partner niyang Lee O’Brian, kaya nairaraos naman niya at handang-handa na siyang magpasaya dito sa TiktoClock.

Sabi nga nila, “happy time” sila sa prog­rama, kaya dapat na magbibigay lang sila ng saya.“Kailangan maipakita namin especially ‘yung mga nasa bahay naming viewers. ‘Yun naman talaga ‘yung hangarin ng show na magbigay kami ng saya.

“Kung ano mang meron tayong sarili nating kalungkutan, iwanan namin ‘yan, wala silang kasalanan. Gusto lang nilang tumawa. Kaya ibibigay namin ang ini-expect nila.

“At saka, suportahan kami dito e. Kung ano man ang pinag­daanan ni Rabiya, pinapatawa na lang siya namin. Nag-ookrayan kami. Hanggang hindi na namin namalayan, pinagtatawanan na lang pala namin kung ano man ‘yung pinagdaanan namin.

“In fact, seven months ago pa akong ano e…okay na ako. Ngayon eto, we’re very blessed. Kaya grateful kami na ipakita ‘yun sa mga taong manonood.”

Ganundin si Rabiya.

Kainitan ng breakup nila ni Jeric Gonzales nang simulan ang taping ng TiktoClock.

Pero hindi raw niya ito dinadala sa trabaho dahil kung gaano man kabigat ang pinagdaanan niya, dapat na galingan daw niya dahil sa kanya ipinagkatiwala ang hosting job na ito. “I need to remind myself that this is a very competitive industry,” pakli ni Rabiya.

“Hindi ko puwedeng dala-dala kung ano man ‘yung bigat na meron ako sa trabaho. Kasi, ‘yung goal po namin is magpasaya. Eh ganun lang naman din po e. Walang buhay po na perpekto. Lahat po tayo may problema.

“However, hindi dahil sa may problema tayo, isa o dalawa, ganun na lang talaga. Doon na lang natin titingnan. So dito po, masaya lang kami kasi on and off cam, nagpu-focus na lang po kami sa lahat ng positive na nangyayari sa buhay namin. Kagaya po ng trabahong ito,” dagdag niyang pahayag.

Handa na kaya si Rabiya na ma-in love uli? “Hindi po muna. Focus po muna sa career. ‘Yun din po ang ina-advise sa akin ni Mama Pokwang at Kuya Kim. Palagi niyang sinasabi sa akin na ano mang mangyari sa iyo ngayon, sobrang blessed ka na at your age, nandito ka sa spot na ‘to. And dun po muna mag-focus. Gusto ko po talagang maging magaling sa TiktoClock,”  dagdag na sagot ni Rabiya.

Sa July 25 na magsisimula ang TiktoClock ng 11:15 ng umaga, mula Lunes hanggang Biyernes.

K, may naipong egg cells

May nabalitaan kaming isang kilalang female celebrity na matagal na raw nagpa-freeze ng kanyang egg cells para matiyak lang na magka-baby siya. Ito ‘yung tinatawag na mature oocyte cryopreservation.

Ang latest na nabalitaan namin, nakabuo na raw ito. Pero hindi pa sure na sure, dahil masyado pang maaga.

Hindi lang naidetalye sa amin kung sa ganun proseso siya kaya siya nabuntis, o sa natural na paraan. Pero hinihintay pa raw ang payo ng kanyang OB-Gyne, kung okay na okay na talaga saka niya ia-announce.

Tamang-tama naman, napag-usapan namin ito sa nakaraang mall show at Kiddiecon ng Sing Galing Kids.

Inamin ng isa sa Sing Masters nila na si K Brosas na sinubukan na rin daw niyang dumaan sa ganitong proseso dahil gusto na niyang magka-baby uli.

Kuwento ni K sa amin: “Two or three years ago, bago ako mag-45, nagpunta ako sa OB ko, tapos nagtanong ako. Ano pala ‘yan…sobrang tagal, kasi kailangan mo ng malusog na egg. So, ‘pag hinarvest ‘yun, imagine every ano magkano ‘yun?

“Tapos, ‘pag hindi pa kiyeme, waley! Tapos mag-injection para to make sure. Pero ang first ko tinake, ‘yung estrogen, 8 thousand plus pala ‘yun, pagkamahal-mahal!

“’Yung blood extraction lang ‘yun for that certain test, para malaman kung viable ba o ano…okay pa naman at my age.”

Natiyak na healthy pa naman daw, at puwede siyang makabuo sa edad niyang ‘yun, pero paano naman daw e wala naman siyang dyowa. “Sabi nga ng doktor, ‘gawin mo na in natural way. Ha? Paano? Ano Immaculate Conception?,” bulalas ni K Brosas.

Itinigil na lang daw niya ito, dahil napakamahal talaga, pati ang maintenance nito. “Imagine mo okay na, viable na, healthy egg. Ipi-freeze mo ngayon ‘yan. Tapos maghahanap na ng surrogate o ikaw. Maghanap ka ng blue-eyed churva para makakuha ka ng Malia 2.0 (anak ni Pokwang). Hanap ka ng afam ‘di ba?
“Nangangarap lang naman ako noon. Kasi, narerentahan pala ‘yun, ‘yung freezer.

“Sabi ko nga sa doktor ko, puwede ba sa ref ko na lang? ‘Di ba? Ganun kakomplikado. So waley!”

Hindi pa naman daw siya nawalan ng pag-asa. Baka magkadyowa naman daw siya at baka makabuo pa.

“Hindi pa naman ako menopause. Puwede pa naman daw. Pero malay mo ‘di ba? Diyos ko! Don’t forget, Janet Jackson, 50 years old! Kapapa-check up ko pa lang naman e. Sabi nila, healthy pa naman ang ovaries ko ang everything,” sabi pa ni K.

Pati sa pagkakaroon ng dyowa ay sinubukan na rin pala ni K Brosas ang mga dating app, kagaya ng Tinder at Bumble, pero waley pa rin daw!

Kaya todo work na lang muna si K, at natutuwa siyang maganda ang feedback sa kanilang Sing Galing sa TV5.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with