^

PSN Showbiz

Ambs, nakipag-deal sa Viva

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ah sa Viva nakipag-deal si Willie Revillame para sa AMBS (Advanced Media Broadcasting System) ni former senator Manny Villar kung saan si Willie diumano ang mamamahala.

Kahapon ay naka-post ang ‘groufie’ ng meeting nila ng top guns ng Viva – sina Vincent del Rosario, Boss Vic Del Rosario, Willie Revillame, Maribeth Tolentino at Ms. Veronique Del Rosario-Corpus.

Ang sabi, malapit na raw talagang mag-operate ang AMBS para sa Channel 2 na pinagkalooban ng frequency ng NTC na dating nasa ABS-CBN pero may iba namang nagsasa­bi na matagal pa dahil meron nga silang frequency pero walang mga equipment.

Anyway, wait natin kung makakabalik na ba si Willie sa free TV dahil nag-test broadcast na raw ang AMBS.

Kris, naka-1 million sa kanyang ‘update’

Umabot na sa 1 million views ang update video ni Kris Aquino sa kanyang sakit habang nasa Amerika.

Pulos dasal ang pinaabot ng friends, followers and fans ni Kris dahil nga kita na sa kanyang katawan ang hirap ng kanyang pinagdaraanan.

Sabi ni Kris ay maghihintay muna siya ng good news bago ulit siya mag-post.

Kasalukuyan silang nagpapagaling na mag-iina – Joshua and Bimby sa COVID-19.

vuukle comment

MANNY VILLAR

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with