^

PSN Showbiz

Jane, maraming beses nadisgrasya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane, maraming beses nadisgrasya
Jane de Leon.

Sa susunod na buwan ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Ilang taon nang pinakahihintay ng mga tagahanga ang naturang proyekto. Bilang paghahanda sa serye ay kinailangan pa umanong mag-traning ng aktres sa pamamahala ng stunt team mula sa Australia. “Preparation for actions, we don’t want naman na masyadong mag-expect ang a­ting mga Kapamilya, ating netizens pero hangga’t maaari, binibigay talaga namin ang best namin para maging maganda ‘yung ginagawa namin,” bungad ni Jane.

Sa mga naging training at taping ay normal na raw para sa dalaga ang makaranas ng disgrasya. “Ilang beses na po ako naaksidente. Sa totoo lang po talaga naospital na rin po ako. Dumating sa point na kailangan na rin po ako bigyan ng shot ng anti-tetanus. ‘Yung mga bagay na gano’n, hindi siya talaga maiiwasan sa action eh. Kahit gano’n po, you just have to rest lang and laban lang ulit. Gano’n po talaga eh,” pagbabahagi ng aktres.

Noong unang beses na naisuot ang costume bilang si Darna ay talaga namang naging emosyonal si Jane. Ayon sa aktres ay kinakailangan din niyang mapanatili ang magandang hubog ng katawan upang bumagay palagi ang costume. “Super naging emotional ako. From how many years na naghintay, almost two years siguro. Now na-experience ko na talaga ang pagi­ging Darna. More on exercise talaga dapat. Kailangan well-maintained, balanced diet ang kailangan,” pagtatapos ng dalaga.

Dimples, ayaw makatanggap ng mga regalo

Mahigit dalawang dekada nang aktibo sa show business si Dimples Romana. Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil nakakilala ng mga tunay na kaibigan sa industriya. “Napaka-blessed ko hindi lang sa mga proyekto kundi pati sa trabaho at pati sa mga kaibigan sa trabahong ito. Hindi tuloy ako makapaniwala do’n sa sinasabing mahirap makahanap ng mga kaibigan sa industriyang ito. Kasi hindi ko ‘yon na-experience. Grabe magmahal ‘yung mga kaibigan ko,” makahulugang pahayag ni Dimples.

Sina Angel Locsin at Bea Alonzo ang ilan sa mga pinakamalapit na kaibigan ng aktres. Sa susunod na buwan ay nakatakdang ipanganak ni Dimples ang kanilang pangatlong anak ng asawang si Boyet Ahmee. Kamakailan ay sina Angel at Bea pa raw ang talagang nag-abala sa ginanap na gender reveal event para kay Dimples. “Nahihiya ako kasi gumagastos sila. Busyng-busy ‘yang mga mga ‘yan pero kung sino ang mga pinaka-busy, sila pa ‘yung mga aligaga. We didn’t call it a baby shower party because I discouraged giving gifts. Kasi pandemya ngayon at ayoko talaga nakaka-receive ng mga regalo kung maaari. Ang cute nina Angel at Bea kasi ang ginawa nila, mga libro ang pinaka-gift nila kasi kilala nila ako. And to be honored by such big stars like themselves, up until this moment, I couldn’t believe na itong mga kaibigan kong ito, they really take the time to make me happy and honor my child,” paglalahad ng aktres.

Si Bea ay ninang ng panganay na anak nina Dimples at Boyet na si Callie habang si Angel naman ay ang ninang ng pangalawang anak nilang si Alonzo. (Reports from JCC)

 

 

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with