Toni baka raw maging bossing sa PTV4, ala-Charo Santos?!
Inaabangan kung anong government position ang hahawakan ng mag-asawang Direk Paul Soriano and Toni Gonzaga.
Kasama sila sa mga dumalo sa proclamation nina President Bongbong Marcos and Vice President Sara Duterte sa Kongreso kahapon.
Kabilang nga ang mag-asawa sa key personalities na nagpatakbo ng kampanya ng UniTeam na overwhelming ang panalo kaya’t inaasahang magkakaroon sila ng magandang puwesto sa bagong administrasyon.
Nagkaroon ng rumor na diumano’y ino-offer kay Direk Paul ang Department of Tourism pero itinanggi ito ng mister ni Toni sa nabasa kong interview.
Wala pang ini-announce na bagong uupo sa DOT kaya hoping pa ang iba na mananatili sa pwesto si Sec. Berna Romulo-Puyat.
May nagsasabi naman na baka si Toni ang ilagay sa PTV4 na isang government station.
Walang contract sa kahit anong network si Toni at nakatutok siya sa pagiging vlogger.
- Latest