^

PSN Showbiz

Kasama si Bianca Gonzalez parenting advice mula sa mga eksperto, tampok sa ‘TalkED’ ng Knowledge Channel

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasama si Bianca Gonzalez parenting advice mula sa mga eksperto, tampok sa �TalkED� ng Knowledge Channel
Bianca
STAR/File

Bibigyang-diin ng Knowledge Channel ang kahalagahan ng early childhood development sa pamamagitan ng TalkED: Early Childhood Series, isang online educational talk show na ipalalabas online sa Facebook page ng Knowledge Channel at FYE Channel ng Kumu tuwing huling Huwebes ng buwan, simula ngayong araw, Mayo 26.

Kasama ang celebrity host at momshie na si Bianca Gonzalez, tatalakayin sa TalkED ang ilang hamon sa formative years ng mga bata at mga parenting advice mula sa mga eksperto na makatutulong sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at sa pagpapatibay ng samahan ng kanilang pamilya.

Tampok sa unang episode ang guest expert na si Gabby Roa-Limjoco, isang child development specialist at founding partner ng Playworks Early Childhood Centers, na siyang tatalakay sa epekto ng pandemya sa mga bata mula sa kanilang pagiisip hanggang sa kanilang emosyon.

Pag-uusapan din kung paano mas magagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na sa kasagsagan ng new normal.

?Maaari ring magtanong at makipagdiskusyon ang mga manonood online sa mga inimbitahang eksperto, at mamigay ng virtual gifts na siyang gagamitin para sa mga proyekto ng Knowledge Channel para patuloy na makapaghatid ng de-kalidad na educational materials sa mga estudyante at guro sa iba’t ibang dako ng bansa.

Ipalalabas din ito bilang isang two-part episode sa Knowledge Channel na available sa SKYcable, Cignal, GSat, SatLite, PCTA cable affiliates, at sa Beam DTT.

vuukle comment

BIANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with