^

PSN Showbiz

Darna, aatras uli ang paglipad?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

May nagtanong sa akin, Ateng Salve, hindi raw kaya mag-extend na naman ang FPJ’s Ang probinsyano dahil mukhang hindi pa talaga handa ang Darna: The TV Series nina Jane de Leon at Joshua Garcia?

Ang tsika kasi, sa July na raw lilipad si Darna.

Pero kung pinagaganda pa itong lalo, hindi nga kaya tama ang kutob ng iba na nangangamoy extension na naman ang action-drama series ni Coco Martin?

Well, may nakapag­tsika rin naman sa akin na sa lock-in uli nila ay may ibang nadagdag sa cast (hindi naman super big stars), so, puwede rin naman.

Pero feeling ko lang, kung ma-extend man ang FPJ’s Ang probinsyano ay hindi na naman gaanong katagalan ‘yon dahil kailangan na rin nilang ikasa ang fantaserye nina Jane at Joshua at baka mawala na ang excitement ng fans doon, huh!

What do you think, Ateng Salve?

Ate Vi, ‘di nakakalimot sa mga kaibigan

Isa ang Star for all Seasons na si Vilma Santos sa mga artista natin na sobrang aktibo ngayon sa social media.

Actually, sa Facebook nga, marami sa entertainment press ang friends ni Ate Vi.

May iba nga na nakaka-chat si Ate Vi sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Kahapon, sobrang na-touch kami kay Ate Vi dahil bumati siya ng happy birthday sa akin. Message ni Ate Vi sa Facebook Messenger, “Happy birthday, Jun! All the best! God bless! Love you, Friend!”

Kaka-touch na talaga namang nakakaalala si Ate Vi sa mga kaibigan niya sa entertainment press.

In fairness sa Star for all Seasons, kahit naman noong araw na hindi pa uso ang social media, isa talaga si Ate Vi sa mga artistang nagmamahal sa entertainment press.

Magiliw siya, kaya naman maraming entertainment press totoo ang pagmamahal sa actress-politician, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with