^

PSN Showbiz

Probinsyano last two months na, Sharon balik-taping

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Probinsyano last two months na, Sharon balik-taping
Sharon Cuneta.

Isang malapit kay Sharon Cuneta ang tinanong ko kung may balik pa ba sa FPJ’s Ang Pro­binsyano ang Megastar?

Yes ang sagot nito at sa May 17 nga raw uli magla-lock-in taping si Aurora (pangalan ni Sharon sa action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin).

Ang hindi lang masagot ng taong tinanong ko ay kung last lock-in na ba ‘yon ng Megastar.

Pero feeling ko, last lock-in na ‘yon ni Sharon dahil matatapos na rin ang nasabing action-drama series ng ABS-CBN.

Yes, Ateng Salve, less (than) two months na nga lang daw ang FPJ’s Ang Probinsyano at siyempre kailangan din namang paghandaan ni Sharon ang Iconic concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa Marriott Hotel Grand Ballroom dahil sa June 17 & 18 na ‘yon, plus aalis din sila pa-Amerika para naman sa concert tour nila roon na magsisimula on July 8 sa Las Vegas, Nevada.

Actually, alam na namin ang eksaktong date ng ending ng FPJ’s Ang Probinsyano, pero nakakahiya namang makipag-unahan pa kami sa pagsusulat ng tungkol doon.

Hayaan na natin na ang Dreamscape Entertainment ni Mr. Deo Endrinal at si Coco ang mag-announce ng tungkol dito.

Saka baka bigla rin kasing maisipan ng Kapa­milya Network na i-extend na naman ang FPJ’s Ang Probinsyano, ‘noh?!

What do you think, Ateng Salve?

Well...

Anyway, going back to Sharon, ang bongga lang dahil may mga fan siya abroad na uuwi pa ng ‘Pinas para manood ng Iconic.

Ang mga fan din ni Regine na based abroad ay mag-uuwian din para sa concert nila ni Sharon sa Marriott Hotel Grand Ballroom.

Wow, so bongga!

Ruby, puring-puri ng mga pinoy sa US

Alam mo, Ateng Salve, bilib ako sa pagiging accommodating ni Ruby Rodriguez.

Based na sa Los Angeles, California ang former Eat Bulaga co-host at nagwo-work siya sa Philippine Consulate roon.

Nang may i-inquire ako tungkol sa ballot ng isang friend ko para sa katatapos lang na eleksyon, kahit gabi na ay nag-reply pa rin si Ruby.

Kahit ang ibang friends ko na nagtatanong sa kanya kapag may kailangan sila sa Philippine Consulate roon, ina-accommodate rin ni Ruby.

Mabait din si Ruby sa mga Pinoy na nagpupunta sa Philippine Consulate sa LA, kaya naman puring-puri siya ng mga ‘yon.

Teka! May balak pa kayang umuwi sa ‘Pinas si Ruby?

‘Yun na!

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with