^

PSN Showbiz

Sylvia, pinaiyak ang viewers

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, pinaiyak ang viewers
Sylvia
STAR/ File

Tumagos sa puso ng mga manonood ang ser­yeng Misis Piggy, tampok si Sylvia Sanchez.

Maraming naging emosyonal at nagpahayag ang kanilang damdamin sa social media tungkol sa serye, na maagang handog ng iWantTFC sa nakalipas na Mother’s Day.

Kasalukuyan pa ring napapanood ng libre sa Pilipinas ang lahat ng episodes ng Misis Piggy sa iWantTFC. Sinubaybayan ng netizens ang kwento ni Marivic (Sylvia), isang single mom na walang sawang binuhos ang kanyang pagmamahal sa tatlo niyang anak na sina Lani, Steffi, at Jeffrey (Ria Atayde, Iana Bernardez, and Elijah Canlas).

Hindi man naging perpekto ang relasyon ni Marivic sa kanyang mga anak, natutunan nilang lahat magpatawad matapos malaman ang malubhang sakit na kanser ni Marivic.

Ayon sa ibang mga nakapanood, very heartwarming ang series at pinatunayan sa series ang family ang pinaka-importante sa lahat.

Marami ring nagsabi na ang dami raw nilang luha na hindi nila inasahan.

Anyway, after Misis Piggy, sinabi nga ni Sylvia na pahinga muna siya sa showbiz. Actually last October ay sinabi niyang pahinga na siya, after ‘yun ng Huwag Kang Mangamba, pero natanggap niya na pala itong Misis Piggy.

“Bago ako nag-decide magpahinga sa serye, natanggap ko na ito e. Natawag na sa ‘kin ito. Natanggap ko na ito. Nakausap ko na ang Dreamscape. E naka-oo ako. Kaya mas nauna ito kaysa dun sa nag-decide ako na magpapahinga ako. Pero ang gusto ko na magpahinga muna sa serye,” aniya sa last interview sa kanya ng entertainment press para sa promo ng MP.

“Tinapos ko lang ito. After nito, sabi ko nga kay Ria, (Atayde) ‘Ria, ikaw na dyan.’ Pahinga na muna ako the whole year. Next year naman na ako,” dagdag ng award winning actress na naging busy din sa katatapos na kampanya ni Arjo Atayde na limang oras kahapon pumila sa Angelicum gym para lang makaboto. Kumandidato sa pagka-congressman si Arjo pero habang sinusulat namin ito ay hindi pa nag-uumpisa ang bilangan.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with