^

PSN Showbiz

Marian, nagdidirek din!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian, nagdidirek din!
Marian Rivera.

“A little glimpse on how they are in real life, makikita n’yo ‘yun,” chika ni Direk John Lapus sa inaasahan sa first ever sitcom ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera na Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Thankful din si Direk John na swak talaga ang mag-asawa kahit kilala sa pagiging drama actor si Dong. “Ang perfect ng combination. And thank God na ang kasama niya at ka-loveteam sa programa ay si Marian. Nakikita ko talaga dinidirek siya ni Marian. Alam ni Marian na forte niya ito. Alam ni Dingdong na komedyante ang asawa niya. At naririnig ko talaga nagba-blocking sila,” dagdag pa ni John na tanggap na ‘laos’ na siya bilang artista pero heto at sunud-sunod naman ang kanyang proyekto bilang isang director.

“At alam n’yo itong si Marian napakaliit na babae, kaya ‘pag binubuhat siya ni Dingdong para siyang tarsier, nakakaikot siya sa katawan ng asawa niya. Tawa ako nang tawa. ‘Di naman siya nabibitawan ni Dingdong na pagkalaki-laki,” sabi pa ni Direk John na kilala rin bilang si Sweet.

Dagdag pa niya : “May ibang eksena kami rito na natatakot si Dingdong, lalapit siya kay Marian na magtatakot-takutan din. Ang totoo ‘di siya natatakot, ayaw niya lang ma-offend ang asawa niya. May ganun silang dynamics. So Thank God. Hindi ako nahihirapan. Ang misis tinutulungan ang asawa, ‘yung mister nakikinig sa sinasabi ng asawa.”

Wala naman silang arguments? “Parang feeling ko ganyan din ang dynamics nila sa bahay. Komedyante siguro si Marian sa totoong buhay, at si Dingdong sanay na.

“Kasi minsan tawa kami nang tawa kay Marian, si Dingdong ‘di natatawa. Sabi ko feeling ko ito ang dynamics sa bahay. Sanay na si Dingdong na komedyante ang misis,” dagdag pa ni Direk John na aminadong namangha sa kagwapuhan ni Donny Pangilinan nang makita niya ito in person.

Samantala, hands-on ang mag-asawa sa screen reunion nila kung saan isa sila sa co-producers kasama ang GMA Network at APT Entertainment.

Second project na nila ito bilang co-producer pero sabi Kapuso Primetime Queen sa presscon ng Jose & Maria’s Bonggang Villa, ngayon pa lang sila ganito ka-involved sa production. “Ang naaalala ko lang, pumipirma po ako ng tseke tapos kinukuha nila. Hahaha! Nakakatuwa kasi first time, actually, pangalawa naman, pero dito talaga ako mas involved talaga, especially, halimbawa, may mga cast na maggi-guest, tinatanong nila kami ‘okay ba sa inyo?’ ‘Sino ba ang request n’yo, sino ba ang dapat sa karakter na ’to?,” kwento ni Marian sa mga invited press.

“Dream come true” nga para sa DongYan ang muli nilang pagsasama sa telebisyon sa loob ng sampung taon.

Mag-asawa ang characters nina Dong at Yan sa sitcom na bubuhayin ang isang lumang bahay kung saan nila makikilala ang iba pang characters sa istorya.

Mag-uumpisa itong mapapanood na sa GMA Network simula May 14.

Kasama rin sa cast sina Shamaine Buencamino, Pinky Amador, Benjie Paras, Mike “Pekto” Nacua, atbp.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with