^

PSN Showbiz

Pia at Jeremy, delayed ang announcement ng engagement sa Amanpulo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pia at Jeremy, delayed ang announcement ng engagement sa Amanpulo
Jeremy at Pia.

Delayed ang announcement ng magkarelasyong Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey sa kanilang engagement sa Amanpulo.

Noong Wednesday pa raw ang nasabing proposal ng travel influencer sa former Miss Universe.

Pero kahapon lang nila inilabas sa social media account nila.

“We found the perfect place to celebrate and tell you guys…” post nila sa kani-kanilang social accounts.

Umapaw naman ang congratulatory messages sa kanila.

Marami nang nakapansin na itinatago lang ni Pia ang engagement nila dahil nga naghanap sila ng perfect timing para sa social media accouncement na kahapon nga.

Mainit pa sa summer…

Salamat naman at dalawang tulog na lang ay eleksyon na. Mas mainit pa kasi sa summer ang bangayan sa pulitika.

Terrible ang siraan lalo na sa social media. Nakakangilo.

Nakakataka lang na tuwing eleksyon, ang paalala sa lahat, vote wisely. Hahaha. Meaning hindi nag-improve ang level of intelligence ng mga Pinoy voter at sa tuwing may botohan, paulit-ulit na lang?

Kaya nga may age requirement ang boboto para marunong mag-isip? Eighteen years old and above.

Kaya ipagdasal natin na maging peaceful, clean and honest ang magaganap na botohan.

At lagay natin sa isip natin ‘we are what we vote.’ Para lang we are what we eat. Kung gusto mong maging healthy ka, kain ka ng clean food.

Pero tandaan din, kahit sinong manalo tuloy ang buhay.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with