^

PSN Showbiz

Ilang taga-showbiz, humabol sa buhay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ilang taga-showbiz, humabol sa buhay
Janice
STAR/ File

Humabol ang ilang taga-showbiz sa pag-eendorso ng buhay partylist sa pamamagitan ng kanilang mga video endorsement.

Kabilang sa mga celebrity na nagbigay ng kanilang endorso ay sina: Janice de Belen, Miriam Quiambao, Dianne Medina, Nicole Donesa, Jeffrey Santos, Maxine Medina, Arny Ross, Jan Marini, DJ Jai Ho at Inah de Belen. Sa celebrity athletes, andyan sina Melissa Gohing at Peter June Simon.

“Masaya kami sa pag-endorso sa Buhay Party List ni Dianne Medina, na nagsisilbi rin pala sa kanilang parokya, sa pamamagitan ng isang video para sa amin. Tapos marami sa mga kaibigan niya sa showbiz ang nagbigay na din ng suporta sa amin, pagkatapos nun,” ani Chi Valedepeñas, asawa ng unang nominado ni Buhay, na si Von Valdepeñas.

Si Chi Valdepeñas ay isa ring celebrity, bilang isang anchor at TV host.

Dahil sa mahigpit na pro-life at pro-God na mga adbokasiya ng Buhay, sinabi ni Von na ang pagkuha ng showbiz celebrity endorsers para sa kanila ay isang mahirap na gawain. Gayunpaman, nang dumating sila, hindi lamang sila umaangkop sa paninindigan ng Buhay kundi kinatawan din nila ang iba’t ibang sector.

Ang Buhay Partylist na si Deputy Speaker Lito Atienza ay kilala sa kanyang matibay na pagtindig sa pro-life.

Kasalukuyang tumatakbo rin sa pagka-bise presidente si Cong Lito.

IpaTUPAD Partylist first nominee suportado ni Robin at iba pang celebrity

vuukle comment

JANICE DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with