^

PSN Showbiz

Daniel, iba ang ginawa sa bago nilang serye ni Kathryn

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, iba ang ginawa sa bago nilang serye ni Kathryn
KathNiel
STAR/ File

Simula May 16 ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang teleseryeng 2 Good 2 Be True na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Si Mae Cruz-Alviar ang direktor ng naturang serye.

Matatandaang huling nakatrabaho ng tambalang KathNiel ang direktor para sa pelikulang Crazy Beautiful You noong 2015.

Masayang-masaya si Daniel dahil muli nilang nakasama ni Kathryn si direk Mae sa isang malaking proyekto. “Si direk naman din ang nagbibigay sa amin ng karapatan para ‘yung tiwala rin sa amin ni direk na manghingi din ng opinion naman base sa mga binibigay na script sa amin, sa bawat linya na binabasa namin at mini-memorize namin. Binibigyan niya kami ng karapatan na magbigay ng opinion kung anong tingin namin na mas magandang mangyari or magandang sabihin. Nando’n lang kasi sa tagal naming magkasamang tatlo rin, tantiyado na namin ang isa’t isa kung paano namin minsan mas pagandahin pa ‘yung mga eksena or mas pagandahin pa ‘yung kwento kung saan pupunta,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Ayon sa aktor ay talagang parang isang malaking pelikula ang kanilang bagong serye lalo pa’t mapapanood na rin ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng Netflix. “Mas film style na ‘yung show, hindi lang siya basta. Dati ‘yung mga serye kasi natin ‘pick pack’ lang, usap, dalawang came­ra, dalawang kinuhanan tapos next sequence na tayo. Ngayon para tayong pelikula. May three shots para sa isang eksena na iba-iba ‘yung anggulo. Mas film ‘yung feel nito. Film talaga ‘yung pagkuha nitong serye ngayon. It’s much better. Sakto siya sa Netflix dahil siyempre kailangan nating lumebel sa kanila doon,” pagbabahagi ng binata.

Makakasama rin ng tambalang KathNiel sa bagong serye sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, Irma Adlawan, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva at Smokey Manaloto.

Bukod sa Kapamilya Channel at Netflix ay mapapanood din ang 2 Good 2 Be True sa Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TV5, iWantTFC at TFC.

Anji, muntik nang talikuran ang showbiz

Muntikan na raw talikuran ni Anji Salvacion ang pinapangarap lamang noon na pasukin ang show business. Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate ay maraming pagsubok din ang kanyang mga naranasan mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. “That was during the pandemic and when the (ABS-CBN) franchise was closed. The second time that I was doubting myself was when I was about to go home and everything was just tearing apart. I’ve gone through such a challenge in life. Even if these challenges almost got me to stop but at the end of the day, I want to thank God nahimasmasan Niya ako. He gave me a sign that I should stay.

“I’m just so grateful sa challenges na ‘yon kasi it made me who I am today and it made me a strong woman. I’m so thankful that I get to share with others and inspire them to never give up. Always dream big and never give up on your dreams,” paglalahad ni Anji.

Bukod sa pagiging host ay nakikilala na rin ngayon ang dalaga bilang isang singer at songwriter. Kamakailan ay nailunsad na ang music video ni Anji para sa kantang Dalampasigan. Ginanap naman ang kauna-unahang digital concert ng dalaga na may titulong Anji Salvacion: The Feels Concert noong April 30.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa kanyang mga magulang na pala­ging nakasuporta sa lahat ng ginagawa. “I am so thankful to you mommy and daddy. It’s because din of how you raised me to dream big and how you keep on always encouraging me to not stop. If natumba ka, it’s okay. That’s what they always told me and I’m always so grateful, that you taught me that very quote that I’ll always remember. Thank you for the love because if it wasn’t for your love, I wouldn’t be able to write the song Dalampasigan. Because the song is really for you. I just wanted to say how much I love you,” paglalahad ng dalaga (Reports from JCC)

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with