^

PSN Showbiz

Sylvia, palaging may bilin kina Arjo at Ria

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, palaging may bilin kina Arjo at Ria
Sylvia.

Bilang ina ni Ria Atayde ay masasabi umano ni Sylvia Sanchez na malaki na ang ipinagbago ng anak bilang isang aktres. Pitong taon na ang nakalilipas nang unang sumabak si Ria sa show business. “Nakita ko naman ang kapasidad ng anak ko. Hindi ko naman sasabihin na magaling siya kung hindi siya magaling dahil ako ‘yung critic niya eh. From day one pagpasok niya sa showbiz, kampante ako na kaya ni Ria kahit first scene iyakan or mabigat. Noon pa hinahangaan ko si Ria bilang aktres, ‘yung kapasidad niyang umarte. Parang mas hinangaan ko siya ng kaeksena ko na siya talaga,” pagbabahagi ni Sylvia.

Nagkatrabaho ang mag-ina para sa iWantTFC series na Misis Piggy. Ayon kay Sylvia ay talagang nakipagsabayan si Ria pagdating sa pag-arte. “Gusto ko itong ipagmalaki, ang galing ni Ria dito, ang galing ni Iana (Bernaldez) at Elijah Canlas. Hinangaan ko ‘yung tatlo dito, ‘yung mga anak ko dito. Napakanatural bilang aktor, hindi ko na kailangan mag-motivate. Sarili ko na lang iniintindi ko. Napakarespeto nilang tatlo sa set. Hindi ko ito sasabihin kung alam kong hindi totoo kasi ako ang mapapahiya. Bow ako sa mga anak ko,” giit ng bete­ranang aktres.

Ilang dekada nang aktibo si Sylvia sa industriya kaya naman palagi ring pinagsasabihan ang dalawang artistang anak na si Arjo at Ria kung paano ang tamang pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho. “Sinasabi ko sa kanila, ‘Humanda kayo ‘pag narinig ko sa mga kapwa ko artista na seniors na hindi ka rumespeto, hindi ka nagpakilala. Sabi ni Ria, ‘Mommy, nahihiya kami.’ Sabi ko, ‘Anong mas nakakahiya, ‘yung dadaan-daanan n’yo ‘yung seniors or lumapit kayo at magsabi kayo ng, ‘Hi! po I’m Ria or I’m Arjo,’ respeto. Do’n lang pumapasok pagka-nanay ko,” kwento ni Sylvia.

Karina, may tsansang sumali sa Binibining Pilipinas

Maraming mga kakilala ang humihikayat kay Karina Bautista na subukang sumali sa mga beauty pageant. Para naman sa dating Pinoy Big Brother housemate ay posibleng subukan niya ang pagsali sa isang beauty competition sa mga susunod na taon. “Pinag-iisipan ko pa po. I am turning 20, so I am still young pero maybe about 3 to 4 years baka sumali po ako. Kasi feeling ko parang hilaw pa ‘yung experiences ko. Like when the day comes, mas know na ‘yung core ko. Parang enriched na talaga lahat ng va­lues ko. I think it’s the best time to join like around 23, 24 or 25,” pagtatapat ni Karina.

Hindi na raw bago sa dalaga ang pagsali sa mga beauty contest dahil naranasan na rin niya ito noon. “I’ve always wanted to join kasi I started off 15 years old nagpa-pageant na ako as way of living. Doon ako nakakuha ng confidence para mag-artista. Kasi dati naman ay boyish pa ako like radio broadcaster lang ako. Hindi pa nga ako TV broadcaster no’ng time na ‘yon. Kahit sinasabi nila na, ‘Uy! May face ka.’ It’s really me and my passion to be able to walk on the Binibining Pilipinas stage,” pagbabahagi ng aktres.

Aminado si Karina na talagang malaki ang kanyang paghanga kay Catriona Gray bilang isang beauty queen. Ang Miss Universe 2018 din ang nagsisilbing inspirasyon sa aktres upang makasali sa isang beauty contest. “Sa kanya ko natutunan na your answers hindi kailangan scripted. It’s okay to have a few lines memorized but emotions should come from the heart and that comes from being genuine for what your advocacy is,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with