^

PSN Showbiz

Sarah at Richard, honeymooners sa Palawan

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Richard, honeymooners sa Palawan
Sarah at Richard
STAR/ File

How time flies talaga, Ateng Salve. Aba, sa April 29 ay nine years old na ang panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion Gutierrez.

May birthday party si Zion sa club house ng tinitirhan nilang village at next weekend daw ‘yon gagawin.

Nang makatsika namin kahapon si Richard, ipinaalala niya sa akin na pumunta sa birthday event ni Zion.

Parang kailan lang, Ateng Salve, ‘yung first birthday party cum baptismal ni Zion (na ginawa two months after ng kanyang actual birthday) sa may Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City na pinuntahan n’yo ng anak mong si Aries.

Aba, four years from now, may teenager na sina Richard at Sarah, huh!

Anyway, habang kausap ko si Richard ay nasa El Nido, Palawan pa rin sila ni Sarah.

Nag-e-enjoy sila roon at tila honeymooners dahil dalawa nga lang sila na magkasama at wala sina Zion at Kai.

Planong pagtira sa Isabelle sa Hong Kong, ‘di natuloy

Nabago pala ang plano ni Isabelle Daza na babalik na sila ng mga anak sa Hong Kong kung saan based ang mister niyang si Adrien Semblat.

Sa ‘Pinas daw muna si Isabelle at ang mga anak na sina Balthazar Gabriel at Valentin.

Hindi pa rin kasi okey ang sitwasyon sa Hong Kong pagdating sa COVID-19 pandemic.

May nakapagkuwento nga sa amin na tinanggap daw ni Isabelle ‘yung isang online series na in-offer sa kanya. Mala-Sex and the City raw ang show na ‘yon at kasama si Iza Calzado at iba pa.

In fairness, mabili pa rin si Isabelle at maraming mga offer sa kanya.

The latest we heard, may isang endorsement daw na gagawin ang anak ni Gloria Diaz.

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with