^

PSN Showbiz

Maja, line producer na sa TV5/Cignal!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maja, line producer na sa TV5/Cignal!
Maja.
STAR/ File

May gagawin ding sitcom...

Marami pang proyekto ang nakahanay para sa award-winning actress na si Maja Salvador sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Cignal at TV5 kahapon, kung saan tampok ang mga una at bagong yugto ng kanyang career bilang prime star ng TV5.

Kilala ngayon bilang The Majestic Superstar ng TV5 at Cignal, si Maja ay naghahanda para sa grand finale ng kanyang record-breaking primetime series na Niña Niño, na kamakailan ay nagdiwang ng kanilang first anniversary bilang most-watched primetime na prinoduce ng Cignal Entertainment at TV5.

Dahil nga sa ganda ng kwento na hatid ng Niña Niño, ito’y kinilala internationally at nakahakot pa ng mga parangal mula sa prestihiyosong 2021 Asian Academy Creative Awards. Nanalo ang serye bilang Best Drama Series at tinanghal naman si Maja bilang Best Actress of the Year.

Nitong Disyembre 2021 sumali na rin ang Niña Niño sa roster ng Netflix Philippines at agad din naging isa sa most streamed Netflix programs kung saan ito ay nanatili sa Top 10 list nang ilang linggo matapos ito  ipalabas.

Habang papalapit na ang season finale ng serye, asahan naman na mas magi­ging intense at nakakaantig ng damdamin ang ending ng kwento nina Niña (Maja) at Niño (Noel Comia Jr.), kasama ang buong Sitio Sta. Ynez na minahal ng mga manonood.

Pero bago pa man matapos ang seryeng Niña Niño, marami na ang inihandang proyekto ang Cignal at TV5 para sa kanilang all-rounder star na si Maja.

Kabilang dito ang first-ever sitcom kung saan matutunghayan ang kanyang versatility at galing sa larangan ng komedya na nakita rin naman sa Niña Niño.

Ito rin ang kanyang unang pagkakataon na tumuntong sa larangan ng line production ng isang television program bilang CEO ng kanyang sariling entertainment firm na Crown Artist Management.

Kaabang-abang din ang bagong TV series na kanyang pangungunahan kung saan mas masusubok ang kanyang galing sa pag-arte at bukod pa rito, may papalapit rin na film project partnership sa Cignal Entertainment ang Majestic Superstar ng TV5.

Sa isang contract signing at grand press event na ginanap sa TV5 Studio kahapon, opisyal nang pumirma si Maja sa mga bagong project deals kasama ang Cignal Entertainment at TV5. Nandoon din ang Cignal at TV5 President at CEO na si Robert P. Galang, pati ang Crown Artist Management Chief Executive Officer Rambo N. Ortega at Chief Opera­ting Officer Mikki Gonzalez. “Maja Salvador’s versatility as an actress, host, judge, and overall performer has made her a perfect fit for all the projects she has done for and with the Network in the past year. We are honored and proud of all her achievements and we look forward to seeing her transform yet again as she reinvents herself in the upcoming projects that she will be doing with us soon,” pahayag ni Mr. Galang.

vuukle comment

MAJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with