^

PSN Showbiz

Aktres, fake news ang pagbubuntis

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Fake news!!!

Ayan, Ateng Salve, all caps na ‘yan with three exclamation points pa, kaya tigilan ang intrigang buntis ngayon ang isang aktres na araw-araw napapanood ngayon sa isang noontime show.

Naloka kasi si aktres nang magising siya kahapon at marami siyang mga kaibigan na nagtatanong at nagko-congratulate rin sa kanya dahil buntis nga raw siya.

‘Kaloka lang dahil ni wala pa ngang confirmation kung boyfriend na nga ba talaga ni aktres ang actor-politician na nali-link sa kanya, heto’t buntis na raw siya.

Hmph! May karapatan nga naman si aktres na mawindang, ‘noh?!

Ang nakakaloka pa, ang isang friend ni aktres ay nagsabing ang nanay raw niya mismo ang nag-confirm ng tungkol sa pagbubuntis na ‘yon.

Very fake news talaga, kaya ang sabi ng feisty mom ni aktres, huwag patulan ang issue na ‘yon.

Marami talaga ang interesado sa love life ni aktres, kaya nga pati ang ibang mga posting niya sa social media ay bini­bigyan ng iba’t ibang kahulugan.

Pati ‘yung isang tweet niya na ‘be nice’ ay hinaluan agad ng intriga, ‘noh?!

Ay naku, enough of mga fake news na, huh!

‘Yun na!

Rufa Mae, ‘di magtatagal sa pinas

Last week pa lang nakabalik ng Philippines ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto na based na sa California.

Nang makatsikahan namin kahapon si P-chi (palayaw niya), naikuwento niya na hindi naman siya masyadong magtatagal sa atin.

Kasama raw niyang nagbabakasyon ang anak na si Athena. Sa cellphone number ng kanyang pinsan ko nakontak si P-chi.

Eh, gusto rin siyang makatsikahan ni Annabelle Rama, kaya ang sey ng nanay ni Ruffa Gutierrez, “Bakit wala siyang local number? Ang mura lang ng sim card, bumili na siya!”

Sa tsikahan nga namin ni P-chi, nabanggit ko sa kanya ang komentong ‘yon ni Bisaya at natawa siya. “Kadarating ko pa lang kasi, kaya nag-iisip pa ako kung bibili ba ako ng local sim o puwede na ang US number ko kasi puwede naman akong matawagan sa Viber,” sey niya.

Anyway, naka-stay siya ngayon sa isang lugar sa may BGC (Bonifacio Global City) at dapat magtse-check out na raw siya kahapon pero bigla niyang naisipang mag-extend, kaya nang magkatsikahan kami kahapon ay sobrang aligaga siya.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFA MAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with