^

PSN Showbiz

Ivana, tinuloy ang teleseryeng nilayasan ni Bea!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ivana, tinuloy ang teleseryeng nilayasan ni Bea!
Ivana.

Ahhh si Ivana Alawi pala ang ipinalit ng ABS-CBN kay Bea Alonzo sa teleserye na gagawin sana nito (Bea) with Richard Gutierrez bago pumirma ng kontrata sa GMA 7.

Ito diumano ‘yung Kahit Minsan Lang na bago nag-pandemic ay nakapag-start na ng taping pero nagdesisyon na si Bea na lumipat noon ng GMA at hindi natagalan ay naging Kapuso na siya.

Though iniba na raw ang story pero ito raw talaga ‘yung Kahit Minsan Lang.

At this time, apat na ang leading man ni Ivana, sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito and Jameson Blake, na ang pamagat na ay A Family Affair.

Magsisilbing launching project na rin diumano ito ni Ivana.

Anyway, kabilang ‘yan sa napag-usapan kahapon sa digital program nina Manay Lolit Solis and Mr. Fu na Take It! Take It! MeGanon?! na napapanood ng live every Tuesday sa digital platforms ng Pilipino Star NGAYON – Facebook and YouTube.

Ito ay matapos ding pag-usapan si Bea na kasalukuyang nasa Madrid, Spain.

Ang akala kasi ng lahat ay umpisa na talaga sila ng taping ni Alden Richards para sa local adaptation ng Korean drama na Start-Up.

Pero rarampa raw muna ito sa Madrid bago sumabak sa lock-in taping.

Paulit-ulit na ang chikang mag-uumpisa na sila ni Alden ng taping.

Ayon sa source ng TITIMG, maraming consideration si Bea kaya wala pa itong nagagawang teleserye sa GMA 7 since pumirma si kontrata sa GMA 7 last July 2021.

Kaya konti na lang, one year na siya sa GMA pero pa-guest guest pa rin ang nagagawa ng karelasyon ni Dominic Roque.

Si John Lloyd Cruz naman ay ganundin daw. Panay lang diumano ang basa ng script ng mga pini-pitch sa kanya ng GMA at wala pa ring planong maging certified Kapuso.

For Happy ToGetHer lang daw ang pinirmahan nitong contract.

Samantala, pinag-usapan din ang pag-trending ni Robin Padilla sa Twitter dahil sa mataas nitong position sa latest survey ng mga kumakandidatong senador.

Steady ang position nito sa 5-9 ng mga mananalong senador.

Samantalang ang mahuhusay na kandidatong sina Atty. Chel Diokno and Atty. Luke Espiritu ay mababa ang numbero at laglag sa inaasahang mananalo base sa mga survey.

O kahit nga kay former Senator JV Ejercito na marami nang napatunayan sa pagiging senador.

So magiging senator’s spouse na nga ba si Mariel Rodriguez na recently lang ay nag-live selling ng mga pre-loved bag niya sa kanyang YouTube channel? Massive ang collection ng Louis Vuitton bag ni Mariel pero aside from live selling meron din naman siyang pa-giveaway.

Anyway, ‘yan at marami pang iba ang pinag-usapan sa live episode ng TITIMG kahapon.

Sa mga hindi nakapanood, maki-team replay sa YouTube and FB page ng PSN and Pang Masa.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with