^

PSN Showbiz

Yasmien at Pauleen, lumalawak ang pang-unawa sa buhay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Yasmien at Pauleen, lumalawak ang pang-unawa sa buhay
Yasmien
STAR/ File

Habang nadadagdagan ang edad ni Yasmien Kurdi parang mas lalo siyang gumaganda.

Tulad din ni Pauleen Luna na mas maganda pa ngayon kesa noong dalaga pa siya. Siguro nga ito ang nagiging hitsura ng mga babae na contented at peaceful ang buhay may asawa.

Nakikita sa mukha at sa kilos nila ‘yung contentment sa buhay.

Sina Pauleen at Yasmien may dagdag wisdom pa, habang tumatagal mas may pang-unawa sila sa buhay.

Gusto ko ring bigyan credit ang mga asawa nila dahil sinabayan nila ang growth nina Pauleen at Yasmien para mas maging open ang pananaw ng mga ito sa buhay.

Perfect match sina Pauleen at Vic, sina Yasmien at Rey na isang pilot.

Nakita nila ang kanilang ‘the one’ at naging masuwerte ang kanilang buhay.

Sana lahat ay maging sing-ligaya at contented gaya nina Pauleen at Yasmien.

Masarap makita na happy together ang mag-asawa lalo pa nga at meron na silang anak.

Congrats, Pauleen and Yasmien, dahil napili ninyo ang mga lalaki na talagang magbibigay ligaya sa inyo. Stay happy, always.

Mga partylist, may ranking na!

Siguro naman by now feel na ng mga tumatakbo sa partylist kung ano ang ranking nila sa tao.

Tiyak na marami sa kanila ang kilalang-kilala na ng marami dahil nakaupo na at seeking reelection na lang.

‘Yung iba na magpapakilala pa lang, iyon ang medyo kinakabahan dahil ang dami pa nilang dapat puntahan na lugar para matandaan ng tao ang pangalan ng partylist nila.

Totoo pa ang sinasabi ng marami na ngayon halos mayayaman lahat ng tumatakbong partylist.

At least kilala na natin sina Bryan Revilla, Brian Yamsuan, Ronnie Ong, Kathryna Pimentel, Alfred de los Santos, Jayke Joson at Sam Verzosa, sure ako meron pa akong nakalimutan dahil nga sa rami na hindi ko na natandaan ang iba.

Basta sana lahat sila mapasok sa magic circle dahil siguro namang nasa puso nila ang pagtulong sa bayan natin.

Malapit na ang eleksiyon, sana maayos at hindi maging magulo.

Basta kung sino ang manalo, igalang natin. Majority rules. Kung sino ang mas maraming may gusto, iyon ang mananalo.

vuukle comment

PAULEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with