^

PSN Showbiz

Rita, gagampanan ang singer na pumipiyok!

Pilipino Star Ngayon
Rita, gagampanan ang singer na pumipiyok!
Rita.

Tampok si Rita Daniela bilang viral music teacher na sintunado sa upcoming fresh at brand-new episode ng real-life drama antho­logy na MPK o Magpakailanman.

Kuwento ito ni Danieca Areglado Goc-Ong o mas kilala bilang Teacher Dan ng DanVibes.

Nag-umpisa ang hilig niya sa pagkanta, bata pa lang siya.

Pero sadyang hindi nabiyayaan ng magandang boses. Kaya kahit anong gawin niya, naramdamdaman niyang hindi niya matutupad na maging isang maging mahusay na singer.

Kaya imbes na mangarap na maging sikat na singer, sinikap niyang maging music teacher.

At doon natupad ang kanyang pangarap na maging grade school Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) teacher. Pero nawalan din ng trabaho noong tumama ang COVID-19 pandemic.

Dito na siya nagsimulang mag-post ng mga sintunado pero nakaaa­liw niyang music lessons.

Pero bago maging isang ganap na guro at makamit ang kanyang viral fame, marami ring pinagdaanang hirap si Danieca.

Sakto si Rita sa nasabing role. Kilalang mahusay itong umarte at kumanta.

At pinatunayan niya ito sa pelikulang Huling Ulan sa Tag-Araw.

Anyway, alamin ang kanyang kuwento sa fresh at brand-new episode na Queen of Piyok: The Danieca Areglado Goc-Ong Story, ngayong Sabado, Feb. 26, 8:00 p.m. sa #MPK.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with