^

PSN Showbiz

Ex na aktres, iniisyuhang pa-victim sa aktor na nanliligaw na sa co-host!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa kuwentong hiwalayan ng isang magkasintahang aktor at aktres, karamihan sa mga napagtanungan ko ay kay aktor ang simpatiya.

Kilala nila si aktor na mabait, at hindi naman nagloloko, kaya marami ang nagulat kung bakit nakipag-break sa kanya ang aktres na matagal-tagal na rin niyang girlfriend.

Nang makumpirmang break na sila, nali-link na si aktres kay aktor na leading man niya sa isang malaking TV project. Hindi naman sila umaamin, pero may mga nagsasabing mukhang meron na talagang namamagitan, base sa nakikitang closeness ng dalawa.

Pero bakit ang ipinapalabas ng kampo ni aktres ay siya ang niloko, at siya ang lumalabas na naapi sa dating relasyon?

Natutukso pa kasi ngayon ang ex-boyfriend na aktor sa kanyang leading lady na kaibigan naman ng dati niyang girlfriend.

Nakikita ang magandang chemistry ng dalawa, at ewan ko lang kung nadadala sa tukso, pero mukhang nadi-develop na si aktor at ang latest, nanliligaw na raw ito sa leading lady niya.

Hindi gaanong ini-entertain ni leading lady dahil ayaw niyang maging rebound girl at umiiwas siya sa magiging reaksyon ng dating girlfriend.

Pero ang latest ay hindi na raw gaanong okay itong si aktres at ang leading lady ng da­ting boyfriend. Nakakarating kaya sa kanya na meron nang nagaganap na ligawan?

Sabi naman ng isang taong malapit kay aktor, hindi raw guilty si aktor dahil hindi siya nagloko. Actually, si aktor pa nga raw ang naiputan sa ulo eh!

Mukhang seryoso naman si aktor dahil ang isa sa nabalitaan namin, kinausap na raw ni aktor ang tatay ni leading lady, para ipahayag ang kanyang pakay na panliligaw.

Nakabuo na rin naman ng supporters ang tambalang ito ni aktor at ng kanyang leading lady. Kaya kung matuloy nga sa seryosong relasyon, tiyak na marami ang matutuwa.

Michelle, tuloy sa Miss U-Ph

Nagdeklara na si Michelle Dee sa kanyang Instagram account na sasali siya sa Miss Universe-Philippines.

Ikinatuwa ito ng mga taong malapit sa kanya. Dating Miss World Phillipines si Michelle.

Ang ganda niya nang makatsikahan namin via Zoom sa mediacon ng Agimat ng Agila nung nakaraang Valentine’s Day. Babalik ang character niyang si Serpenta sa Agimat ng Agila.

Hindi pa naman niya sinabi ang balak ang pagsali sa Miss Universe-Philippines, pero napag-usapan ang mga pagbabago ngayon sa beauty pageants.

Nagiging maluwag na kasi lately, lalo na pagdating sa height, pati sa weight, dahil naniniwala silang hindi lang sa panlabas na anyo ang kagandahang dapat maipapakita ng isang babae kundi ang kanyang kuwentong magbibigay ng inspirasyon sa mga tao.

Sabi ni Michelle; “So, I am happy na lumuluwag talaga ‘yung rules, kasi you know sayang din eh. Ang dami talagang mao-offer ‘yung mga babae that just because of the mere height requirement hindi nila mabibigay yun? Hindi nila masasabi ‘yung mga stories nila?”

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with