^

PSN Showbiz

Sen. Bong, handang gumawa ng movie para sa MMFF

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong, handang gumawa ng movie para sa MMFF
Sen. Bong
STAR/ File

May chance na magkaroon ng entry sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) si Senator Bong Revilla Jr.

Ito ang inamin ng aktor-pulitiko sa virtual mediacon ng kanyang top-rating Kapuso series na Agimat ng Agila 2 two days ago.

“Pwede, pwede. We’ll see, we’ll see. Sa ngayon kasi, panahon ng kampanyahan, ng eleksyon, so marami rin tayong pinagkakaabalahan.

“Pero tingnan natin, para makatulong naman tayo sa mga taga-industriya,” paliwanag ni Sen. Bong.

Nanghihinayang din kasi siya kung hindi pa magiging regular ang pagbubukas ng mga sinehan sa bansa sa gitna ng pandemya.

Marami raw kasing natutulungan na mga taga-industriya ang paggawa ng pelikula kaya pinag-iisipan niyang mabuti ang muling pagpo-produce ng movies.

Sa ngayon nga naman, ang muling pagsigla ng Philippine cinema ay nakasalalay sa muling pagbubukas ng movie theaters at pagkakaroon ng tiwala ng publiko na safe na ngang lumabas at manood ng local films.

Wish ni Sen. Bong na sana nga ay dumating ang panahon na iyon dahil sayang naman daw kung patuloy na mananamlay ang industriya ng Pinoy film production.

Pagdating naman sa Agimat ng Agila, sinabi niya na magandang problema ang pagkakaroon nito ng malaking commercial load kaya mara­ming viewers ang nabibitin.

Marami kasi ang nagsasabi na puro commercial na ang palabas kesa sa mga eksena nila.

Well, ang tiniyak ni Sen. Bong ay patuloy nilang pagagandahin ang serye para na rin sa enjoyment ng avid viewers nito.

Sa May 7 na ang final episode nito kung saan kasama rin ni Sen. Bong sina former Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, Sanya Lopez, Michelle Dee at marami pang iba.

At pulos papuri na may kasamang slight na kilig ang mga pahayag ng aktor-pulitiko tungkol sa tatlong former beauty queens – MJ Lastimosa, Michelle Dee at ang leading lady niya na si Rabiya Mateo.

“Lahat sila magagaling. Pinakita nila ‘yung talento ng bawat isa sa bawat pag-portray nila sa kanilang characters, sa bawat role na ginawa nila. Talagang napabilib nila ako.

“Katulad ni Miss Rabiya, bago pa lang siyang artista pero pinakita niya na natural na natural ang acting niya. Si Michelle, talagang iba ‘yung pagka-snake niya. Ang galing, ang galing. Talagang pinabilib niya ako noon pa man sa Book 1. Si MJ, ganundin, ang galing umarte, natural na natural.

“Sabi ko, parang hindi mga beauty queen ito, para talagang mga artista. Talagang saludo ako sa kanilang tatlo,” sabi ni Bong.

Nakita rin daw niya kay Rabiya ang nakita niya kay Sanya Lopez sa book 1 ng Agimat ng Agila. “Nakita ko nandu’n ang chemistry at sana, ganu’n nga ang dating sa mga viewers natin,”  banggit pa niya sa Zoom conference.

Kaya feeling super pogi siya dahil nga napapaligiran siya ng mga beauty queen. Natatawa niyang comment : “ang feeling ko, parang ang pogi-pogi ko.

“Nakakatuwa na magagaling na artista ang kasama ko,” dagdag pa niya.

Mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez, every Saturday, 7:15 p.m, sa GMA 7.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with