^

PSN Showbiz

Vice Ganda, may pangako sa kasal nila ni Ion!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice Ganda, may pangako sa kasal nila ni Ion!
Vice Ganda at Ion.

Ang ganda ng pasok ng Valentine’s Day, dahil kuwento ng kasalan ang bumulaga sa atin nung Linggo ng gabi.

In-upload ni Vice Ganda ang wedding nila Ion Perez na ginanap sa Las Vegas nung October 19, 2021.     

Pinamagatan ang vlog na iyun ni Vice Ganda ng What Really Happened in Las Vegas.

May haba na 14 minutes and 15 seconds ang vlog na iyun kung saan sakay ng limo stretch, pumunta ang magkasintahan sa The Little Vegas Chapel at nagpakasal.

Simple lang ang suot nila, pero nakikita mong napakasaya nilang dalawa, at kahit parang may pagdududa pa rin kay Ion, nakikita naman sa mga mata niya ang sincerity at masayang-masaya siya sa kanyang ginagawa.

Maiksi lang ang kanyang vow, pero ipinahayag niya ang tapat na pagmamahal, na sinabi niyang; “buung-buo ang loob ko na makasama ka. Mahal na mahal kita, Tuy (totoong palayaw ni Vice Ganda).”

Mahaba-haba naman ang vow ni Vice Ganda na sinasabi niyang mag-iipon daw siya ng mas maraming pagmamahal sa puso niya. Ingatan ang kalusugan dahil nalulungkot daw si Ion kapag nalalaman nitong may sakit siya.

“I promise na aalagaan ko ang sarili ko. Kakain sa tamang oras para hindi ka na magagalit. Alagaan ko ‘yung kalusugan ko para maging malakas ako, para mapanindigan pa natin ‘tong sinimulan nating dalawa,” bahagi ng vow ni Vice Ganda para kay Noy, ang totoong palayaw naman ni Ion.

Sa loob ng 14 hours na ini-upload ito ni Vice Ganda sa You Tube, mahigit 2M views na ito at mahigit 13 thousand ang comments ng netizens.

Karamihan, lalo na ang LGBTQIA community ay masaya para sa kanilang dalawa.

May mangilan-ngilang nagni-nega na mababa ang pagtingin nila kay Ion.

Sinasabi nilang tiniyak lang daw ni Ion ang pang-habang buhay niyang security.

Pero kahit ano pa man ‘yan, masaya silang dalawa at sabi nga ng LGBT community, “love wins!”.

Glaiza at David, noong october pa kasal

Kasunod naman na sorpresa nung Linggo ay ang announcement nina Glaiza de Castro at David Rainey na married na rin sila.

Isa ito sa pasabog na Valentine story ng Kapuso Mo Jessica Soho na kung saan may exclusive interview sila sa mag-asawang David at Glaiza.

Very intimate at simple lang ang ginanap na wedding sa Northern Ireland nung October din last year.

Kuwento ni Glaiza, ginanap ang kanilang wedding ceremony sa tabi ng isang castle na nagamit minsan sa Game of Thrones.

Napakaganda ng lugar, na kahit konti lang silang nandun, masasabing ang perfect na ceremony ito para sa kanilang dalawa.

Ginawa rin nila sa seremonyang iyun ang Irish tradition na “handfasting”.

Isang unity ritual ito na kung saan nakatali ang kamay ng mag-asawa sa pamamagitan ng isang braid o kung ano mang kapareho nito.

Wala raw muna silang wedding ring na isinuot dahil gusto nilang gawin ito sa isang church wedding ceremony dito sa Pilipinas.

Sa nakaraang panayam namin kay Glaiza, napagkasunduan na nilang dito talaga ang official na church wedding dahil konti lang naman ang family ni David at okay na sila na ang pumunta dito at mas marami ang pamilya ni Glaiza, kaya puwede silang makadalo lahat kapag dito gaganapin.

Ang saya ng ganitong balita ng pagmamahalan.

Parehong nung October last year ikinasal ang dalawang celebrity couple, na iyun din ang kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Napapabalita na nga lang na may problema ang mag-asawa.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with