^

PSN Showbiz

Regine gusto talagang maging ku-Momshie, Melai ipapahanap sa NBI ang namintas sa kanyang anak!

Pilipino Star Ngayon

Tuloy ang masayang balitaktakan sa Magandang Buhay ngayong Pebrero kasama sina Jolina Magdangal-Escueta at Melai Cantiveros-Francisco at ang kanilang guest ku-momshie na si Regine Velasquez.

Noong Lunes (Enero 31), winelcome nina Jolina at Melai si Regine na makakasama pa nila sa susunod na tatlong linggo.

Ayon kay Regine ang saya na naramdaman niya sa pagiging parte niya ng morning show sa susunod na tatlong linggo.

Ani ng Asia’s Songbird, “Natutuwa ako kasi kung dati pumupunta lang ako rito na parang napadaan lang kasi parang sandali lang. Ngayon I will be with your for three weeks. Bakit hindi pa natin sinaktong isang buwan ano?”

Nagparinig naman si Jolina, “Kaya nga eh o hindi kaya mga ilang buwan pa.”

Natandaan naman ni Melai ‘yung sinasabi ni Regine tuwing bumibisita ang Kapamilya singer sa programa.

“Ate Regine naaalala ko nga sinasabi mo kapag pa-ending na ‘yung guesting mo na “Ay gusto ko talaga dito at ngayon nandito ka na,” saad ni Melai.

Biro ni Regine, “Hindi kasi alam mo ‘yung kwentuhan lang. Eh bilang top 30 ako sa mga Marites. You know I have a reputation to keep.”

Sa kanyang unang araw bilang momshie, ibinahagi nga niya ang mga ginagawa nilang bonding ng kanyang pamilya nitong pandemic. Kung paano nga nila natutukan ang kanilang anak na si Nate lalo pa at busy sila sa ASAP Natin ‘To at regular host na rin si Ogie Alcasid sa It’s Showtime.

Natuwa naman ang netizens sa pagiging guest ku-momshie ni Regine kaya naman nag-trending noong Lunes ang Queen Regine at #Magandang Buhay.

Sa mga susunod na araw, makakasama nilang tatlo ang ASAP Natin ‘To New Breed of Singers na sina Anji Salvacion at Sam Cruz, magkaibigang sina Ria Atayde at Darren Espanto, ang Showtime Sexy Babe Authoriteam na sina Ruffa Gutierrez at Nicole Cordoves, at Viral Scandal stars na sina Charlie Dizon, Kaila Estrada, at Dimples Romana.

Napapanood pa rin ang Magandang Buhay mula Lunes hanggang Biyerness 9 a.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at Kapamilya Online Live.

Wala na sa programa si Karla Estrada since nag-file siya ng candidacy bilang nominee sa isang partylist na kung maaalala ay nagkaroon ng intrigang diumano’y malaki ang natanggap na campaign funds kaya napapayag sumabak sa pulitika.

Speaking of Magandang Buhay, nagbanta ng demanda si Melai sa isa niyang follower na nilait ang kanyang anak sa social media.

“Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa nbi ang account mu mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mu sa anak ko, ako sabihan mu ok lang wag ang anak ko , kahit itlog ka kahit magdeactivate ka , alam ko fans ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita,” post ni Melai dahil pinagbibintangan siyang sini-ship si Chienna Filomeno kay Kyle Echarri.

Season 3 ng Penthouse, mapapanood sa GMA

Beginning Feb. 7, ibabalik ng GMA Network ang top-rating K-drama featuring the intriguing story of three women from a luxury high-rise apartment na The Penthouse Season 3.

Maraming na-hook sa kuwento nito kaya naman sabik silang panood ang final season nito.

Mapapanood ito sa weeknights, 9:35 p.m. on GMA Telebabad.

vuukle comment

MELAI

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with