The Broken Marriage vow pinuri agad sa preview, 10 milyong views na ang trailer

Zanjoe at Jodi
STAR/ File

Inulan ng papuri ang Kapa­milya drama series na The Broken Marriage Vow mula sa entertainment media, bloggers, at fans na nakapanood ng unang episodes nito sa isang virtual screening, kaya naman dumami pa ang naging excited sa pag-ere nito ngayong paparating na Lunes (Enero 24).

Umani ng magagandang salita ang bagong serye partikular na ang nakakagigil na performances ng cast nitong pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo, nakaka­tensyong mga eksena, at ang proudly Pinoy outfits at pagkain na bidang bida rito.

Kakaiba nga naman ang chemistry nina Jodi at Zanjoe at ang ganda ng Baguio particular na ang Rice Terraces.

At ang mga outfit nila, gawa ng mga local designer na nagpatingkad sa kanilang mga eksena.

Unang mapapanood ang serye ngayong Sabado (Enero 22) sa iWantTFC at Viu, dalawang araw bago ito ipalabas sa TV.

As of this writing, 10 million na ang views ng trailer nito.

Show comments