^

PSN Showbiz

Nora, pinatawad na ni Ian!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang pasok ng taong 2022 kay Nora Aunor nang dumalaw sa kanya ang anak na si Ian de Leon nung nakaraang Huwebes ng gabi.

Pagkalipas ng isang taon na kung saan nagkatampuhan sila, sinorpresa ni Ian ang kanyang ina nang bigla itong dumating sa bahay ni Ate Guy kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

Kung natatandaan pa, nung taong 2020 na sinelebrayt ni Nora ang birthday ni Ian sa Alfredo’s Restaurant sa Quezon City. Inimbitahan ang mga anak para mag-reunion na rin sana silang mag-iina.

Pero ang isang anak ni Ate Guy na si Kenneth lang ang nakarating.

Hindi tumuloy si Ian at idinahilang may sakit. Pero ang nakara­ting na kuwento sa amin, hindi raw niya nagustuhan nang nalamang ilalabas ito sa YouTube channel ng original superstar, at pinu-promote pa nun ni Ate Guy ang MMFF entry niyang Isa Pang Bahaghari.

May kuwento pang ayaw daw ni Ian na nandun sa dinner si John Rendez.

Naglabas din si Ian sa kanyang vlog ng The Bitter Truth, para ilahad ang buong pangyayari.

Isang taon din silang nagkatampuhang mag-ina, at tinapos na ito nang dumalaw na si Ian para batiin ang kanyang Mama.

“Sinorpresa talaga ni Ian si Ate Guy, kaya ang saya-saya nila. Pati si John (Rendez), tuwang-tuwa,” text sa akin ni Rodel Fernando, publicist ni Ate Guy.

At least magandang balita ito kay Ate Guy na ayaw nang magbigay pa ng pahayag kaugnay sa pagkaba­sura ng COMELEC ng kanyang NORA A Partylist.

Mas magandang balita pa sana kung si Ate Guy na talaga ang hihiranging National Artist For Film na magkakaroon daw ng final deliberation sa katapusan ng buwang ito.

May nakabinbin pang pelikula si Ate Guy, ang Kontrabida na prinodyus ni Joed Serrano na umatras na rin sa kanyang kandidatura bilang Senador.

Joross naka-quarantine, na-expose sa kapatid na naki-party sa Poblacion!

Sad naman ang aktor na si Joross Gamboa dahil napahiwalay siya sa kanyang pamilya, at kailangan niyang magpa-quarantine.

Na-expose pala si Joross sa kanyang kapatid na isa sa naki-party sa Poblacion at nag-positive sa COVID-19.

Pero hindi raw ito kasama sa grupo ng kontrobersiyal na si Gwyneth Chua.

Ito lang ang hindi maganda sa pagpasok ng 2022 dahil tumaas ang bilang ng COVID cases dahil sa Omicron virus.

Kaya simula bukas, Jan. 3 ay nasa alert level 3 ang buong NCR.

Nag-alala nga ang mga movie producer dahil baka isasara na naman ang mga sinehan. Pero nakasaad na 30 to 50 percent daw ang ia-allow na capacity ng cinemas sa ilalim ng alert level 3.

Inaasahan pa kasing tataas pa ang COVID cases, kaya baka mas lalong maghigpit.

Tuluy-tuloy pa naman ang showing ng MMFF movies na medyo tumaas naman daw, lalo na ‘yung mga humakot ng awards na Big Night, Kun Maupay Man It Panahon at A Hard Day.

Pero consistent pa rin daw na nangunguna sa takilya ang ExorSis at Huwag Kang Lalabas, kaya hindi sila nababawasan ng sinehan.

Ang pinangangambahan ay kung patuloy na tataas ang COVID cases, baka maapektuhan ang  naka-schedule na showing ng Spider-Man: No Way Home.

Ang dami nang bumili ng tickets at sold-out na nga raw ang buong isang linggo nito.

Alden at Bea, nagsalita na sa kanilang teleserye

Congratulations sa GMA 7 na nagawa nila nang maayos ang kanilang New Year Countdown to 2022.

Naka-tape ito pero tumugma naman sa mismong paghihiwalay ng taon at isinabay sa live coverage ng fireworks display sa SM-MOA.

Pinangunahan nina Bea Alonzo at Alden Richards ang isang oras at kalahating show ng Kapuso stars.

Ipinakita na rin doon ang behind the scenes ng Voltes V na talagang pinaganda ni direk Mark Reyes.

Inilunsad na rin doon ang ni-rebrand na GMA Artists Center at ginawa nang Sparkle.

Doon na rin ay binanggit ni Bea na magsasama sila ni Alden sa isang teleserye bukod pa sa pelikulang gagawin nila.

Bukod dito ay marami pang bagong teleserye ang GMA.

Ang nakakalungkot lang ay may ilang regular shows na ring magpaalam.

Ipinost na ni Eugene Domingo sa kanyang Instagram account na abangan na lang daw ang huling episodes ng Dear Uge.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with