^

PSN Showbiz

Bakbakan ng mga gustong maging pangulo, umpisa na

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Para lang tayong umidlip sandali at paggising natin ay tapos na pala ang Pasko at Bagong Taon. Bakbakan na uli ngayon lalo na para sa mga pulitikong may inaasintang upuan sa pamahalaan.

Presidential election ang nakaabang, ayon sa isang political analyst na nakakuwentuhan namin ay malaki ang pagkakaiba ng panguluhang eleksiyon kesa sa panglokal, malaki ang deperensiya.

“Lumalabas ang mayayaman para bumoto kapag presidential election ang nagaganap. Kailangan nilang bumoto, nakataya kasi ang mga negosyo nila, pipili sila ng magiging pangulong maalagaan ang kapakanan nila bilang negosyante,” sabi ng aming kausap.

Balwarte ng mga pulitiko ang taong 2022, kanila ang panahon, ang para­ting na halalan ang uukit ng kanilang kinabukasan sa serbisyo-publiko kung makalulusot ba sila o uuwing luhaan.

Good luck na lang sa kanilang lahat.

Aktor, maraming nakabaul na nakaraan sa bading

Siguradong sa ayaw at sa gusto ng isang pamosong female personality ay makararating sa kanya ang kartada ng isang male personality na karelasyon nito ngayon.

Hindi puwedeng itago sa baul ng alaala ang kahusayan ng aktor na pumaraan sa buhay. Meron na siyang karelasyong gay businessman ay umaandar pa rin ang kanyang utak na mapangarap, suma-sideline pa siya sa ibang beki, ganu’n siya kagaling.

Kuwento ng aming source na malapit sa isang pamosong salon owner, “Naku, ha? Makyondi ang lalaking ‘yun! Alam na nga natin na boy toy siya ng isang mayamang gay businessman, pero umaarubayto (read: sideline) pa siya du’n sa may-ari ng salon!

“Nilalandi pa rin niya, nagbibigay siya ng pahimakas na puwedeng maging sila! Nakakaawa naman ‘yung gay businessman na ibinibigay na ang lahat-lahat sa kanya!

“Loko! Mabuti nga sa kanya! Kinalasan siya nu’ng gay benefactor niya, halatang-halata naman kasi kung ano lang talaga ang motibo niya!

“Pati ba naman pamilya niya, e, ipinapasan na rin du’n sa gay businessman, kumpleto! May pabahay na, may pasasakyan pa, pati ang kakainin nila sa araw-araw, ang gay benefactor pa rin niya ang sagot!

“E, na-Julie Andrews sila ng wifey ng gay businessman, nakakuha ng mga resibo ang misis, kaya isang umaga, pinalayas na sila sa housing galore!

“Naku, kung hindi pagaganahin ng female personality na karelasyon ngayon ng hunk actor ang pang-amoy niya, e, siguradong sa Row 4 na katabi ng mabahong basurahan ang kalalagyan niya!

“Sayang naman ang korona niya sa ulo, paiikutin lang siya ng male personality na ang husay-husay sa buhay basta kadatungan ang pinag-uusapan!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Rita, hindi pinaniwalaan dahil sa timbang!

Maraming nagtatanong-nagtataka kung bakit parang pinagkaisahan ng mga jurors ng MMFF ang pelikulang pinagtambalan nina Ken Chan at Rita Daniela.

Kung hindi pa ibinigay sa kanila ang parangal para sa musical sco­ring ay uuwing humahagulgol ang buong produksiyon dahil wala talaga silang nakuhang nominasyon man lang sa maraming aspetong pinaglabanan.

Ang dami-dami pa namang kaibigang nakapanood ng Huling Ulan Sa Tag-Araw ang nagsabi sa amin na maganda ang pelikula at mahuhusay sina Ken at Rita sa mga papel na ipinagkatiwala sa kanila.

Sabi ng isang taga-MMFF na tinanong namin, “Kasi naman, dying of cancer si Rita, pero hindi kapani-paniwalang may taning na ang buhay niya. Malusog siya, masyuba, paano naman magiging convincing ang ganu’n?

“Kung ngayon ginawa ang movie, e, puwede pa, dahil nag-diet si Rita. Malaki ang nabawas sa timbang niya, magiging kapani-paniwala na mamamatay na nga siya!” komento ng aming tinanong.

Pero maraming tagahanga pa rin ng tambalan ang naniniwalang parang pinagkaisahan ang pelikula ng kanilang mga idolo. Mahuhusay sina Ken at Rita, pero kahit nominasyon man lang ay hindi sila binigyan, kaya parangal pa kaya ang magiging posible?

“Hindi kayang kunin sa make-up lang ang mga eksenang mamatay si Rita, hindi pa rin siya convincing, kailangang umaayon ang physical appearance ng artista sa role na ginagampanan niya,” madiing sabi ng taga-MMFF.

Aminado naman sina Ken at Rita na kinunan ang principal photography ng pelikula dalawang taon na ang nakararaan. ‘Yun ang panahong marami talagang pumapansin sa bulto ng pangangatawan ni Rita.

Napabalita pa nga ang inilabas na memo ng GMA-7 na kung gustong magkaroon ng mga proyekto ng aktres ay kailangang magbawas siya ng timbang.

Na pinaghirapan naman at pinagsakripisyuhan ni Rita, malaki ang nahulog sa kanyang timbang, kaya marami siyang gagawing proyekto sa network ngayong taong ito.

Panghimasmas namang komento ng kaibigan naming propesor, “Ang pelikula, e, istorya sa totoong buhay na iniaarte lang ng artista. Kailangang kapani-paniwala.

“Huwag nang masaktan si Rita, kung si Karla Estrada ang kinuha ng production sa movie, e, ganu’n din ang siguradong resulta.

“Paano mo naman paniniwalaan si Karla na dying of cancer, e, parang busog na busog siya bago kunan ang eksena!” makatotohanang komento pa ni prop.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with