^

PSN Showbiz

Aktor na karelasyon ng rampadorang may korona, pinagsawaan na ng baklang neyosyanteng pamilyado

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Juice colored! Pinagpipistahan ngayon sa lahat ng sulok ng showbiz ang kapapanganak pa lang ng pagmamahalan ng isang showbiz couple.

May mga naniniwalang maligaya ang hunk actor sa relasyon nila ng isang beauty queen pero mas maraming naniniwala na it’s a fake!

Kalat na kalat naman kasi sa mundo ng magkarelasyong ito na naging boy toy ng isang gay businessman ang male personality.

Kuwento ng aming impormante, “Kailangang magmano ang girlash na ‘yun sa naging karelasyon nang matagal ng boyfriend niya! Kapag nagkita sila ng gay businessman, e, isa lang ang sasabihin nu’n nang nakataas ang kilay, ‘Una siyang naging akin.’

“Na totoo naman! Buhay-mayaman ang male personality nu’n sa kanyang gay provider! May pabahay na, may pa-kotse pa, may padatung pa siya!” unang komento ng aming source.

Napakalaki ng ginanansiya ng male personality sa beking negosyante. Ang nakakaloka lang, habang kasama ng gay businessman ang kanyang pamilya sa ibang bansa ay nandu’n din ang hunk actor, join the club din siya.

Patuloy ng aming source, “Marami silang magkakasama sa biyahe. Ang pamilya ng beki, ang mga kaibigan nila, para hindi nga naman mabukelya ni misis na may relasyon sila ng hunk actor!

“Pero ganito ang kanilang drama. Magpapaalam ang gay businessman sa misis niya na magba-bar silang magkakaibigan. Drawing lang ‘yun! Ang totoong magkasama lang, e, ang beki at ang hunk actor!

“At hindi sila nagpupunta sa bar, nandu’n lang sila sa hotel room ng male personality, nagpapakaligaya sila, of course!

“Kinabukasan, may-I-shopping na ang hunk actor, may datung na kasi siya, punumpuno na naman ang bulsa niya courtesy of his gay provider!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Kinarga ng gay businessman ang buong pamilya ng male personality. Pinaalis sila sa probinsiyang malapit lang naman sa Maynila, pinatira sila sa bagong biling house ng beki, marami ring sasakyan ang lalaki.

“Pero wala ngang pangako ang bukas. Na-Julie Andrews ng beki na may karelasyong female personality ang hunk actor. May-I-deny pa siya, pero tapos na ang boksing!

“Nahuli ng misis ng beki ang relasyon nila, pinalayas sila sa bahay, tapos ang maliligayang araw ng male personality na may girlfriend naman may putong na korona ngayon sa ulo!

“Magaling ang hunk actor na ito! Para siyang langgam, kung nasaan ang asukal, e, nandu’n siya! Kapag wala na siyang mapapakinabangan, lilipat na naman siya sa ibang kuwadra!

“Good luck na lang sa babaeng rampadora!” panghuling komento ng aming impormante.

Ubos!

Kris, laging inaabangan ng bashers

Pinagkakaabalahan na naman ng mga bashers at trolls si Kris Aquino. Laman na naman siya ng social media. At sa timbangan ng mga komento ay mas marami ang namimintas sa TV host kesa sa mga pumupuri sa kanya.

Nag-ugat ang isyu sa pagsama niya kay VP Leni Robredo sa pagtulong sa mga binagyo sa Negros. Pinagsalita siya, nagpaalala siya sa mga tagaroon na sana’y huwag makakalimutan ng mga lokal kung sino ang unang umayuda sa kanila, may tunog pangangampanya ‘yun para sa iba.

Ipino-post din ni Kris ang pagbibigay niya ng tulong. Para sa kanyang mga bashers ay hindi na niya dapat ipinagmamakaingay pa ang mga ginagawa niya dahil nawawala ang indulhensiya.

Pero tama rin naman ang katwiran ni Kris na kailangan niyang ipaalam ang ginagawa niyang pagtulong para pamarisan ng iba. May mga puso nga namang kailangang katukin nang katukin bago magbigay ng simpatya sa ating mga kababayan.

Meron ngang mga pulitikong sumusuka ang bulsa sa dami ng pera pero walang pakialam sa pagtulong. Hindi bale nang amagin ang kanilang pera kesa sa mapakinabangan ng ibang nangangailangan.

Kailangan na lang tanggapin ni Kris na kahit ano ang kanyang gawin ay bibirahin pa rin siya. Huwag siyang tumulong at magtengang-kawali lang, siguradong iba-bash pa rin siya, kakambal na ni Kris ang kontrobersiya sa anumang desisyong gawin niya.

Ang pinakamahalaga, ipinagmakaingay man niya ang pagtulong ay maraming bituka ang nagkaroon ng laman, libu-libong pamilya ang kahit paano’y nabiyayaan.

At tama, sarili niyang pera ang ginastos niya sa pagtulong, hindi nakaw na salapi ng bayan, kaya sabihin man niya sa publiko ang kanyang pag-ayuda ay siya ang reyna ng kanyang pera.

Ang tanong—ang mga naninira ba kay Kris Aquino ay gumawa ng paraan kahit paano para magpagaan sa damdamin ng mga binagyo?

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with