^

PSN Showbiz

Marian, iniyakan ang paghihintay ng swab result!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Marian, iniyakan ang paghihintay ng swab result!
Actress Marian Rivera
Marian Rivera via Instagram

Binigyan si Marian Rivera ng welcome mediacon ng GMA Network nang dumating mula sa Israel matapos mging member ng Selection Committee ng 2021 Miss Universe.

“Naku, ang hindi ko makakalimutan, parang lahat nang nangyari doon, hindi ko makakalimutan kasi ‘yung experience ko with Miss Paula, head organzier ng Miss Universe.

“Lagi niya akong kinakausap kahit minsan, one on one kami, kung ano ang hinahanap dapat sa Miss U. Kung ano ang hinahanap sa Miss U.

“Sobrang grateful ako na nakasama ko ‘yung ibang judges na sobrang down to earth! To the point na nagingmga kaibigan ko. Hanggang ngayon may communication pa kami.

“Ang highlight ng trip namin yung punta naming sa Holy Land,” pahayag ni Marian sa ilang entertainment press.

Araw-araw ay marami silang ginagawa at ang visit sa Jerusalem ang talagang free time niya.

All out support naman sa kanya ang asawang si Dingdong Dantes.

“Lagi siyang to the rescue! Jacket, inom. Lahat!” sey niya.

Nag-quarantine siya pagdating sa bansa. “Umiiyak ako nung nasa quarantine ako. Hindi ko kayang hindi makita ang anak ko. Iyak din ako nang iyak nang natagalan sa paglabas ng swab test.

“Nang lumabas na negative, nagsasayaw na ako! Pero hindi namin sinabi sa mga bata. Sabi nga ni Zia nang makita ako, ‘Mama, is this a dream?’ Hindi kasi namin sinabi na uuwi na kami!” chika pa ni Yan.

Habang nasa Israel dalawang documentary ang nagawa nila ni Dong – isang tungkol sa sarili at sa kanilang mag-asawa!

“Basta ako, napaka-blessed ko. Grateful ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko! Thank you, Lord!” deklara pa ni Marian.

vuukle comment

JUN NARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with