^

PSN Showbiz

Chie, inaming crush si Kyle

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Chie, inaming crush si Kyle
Chie

Napalapit sina Chie Filomeno at Kyle Echarri sa isa’t isa dahil sa pagiging housemates sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Nabigyan ng kulay ng ilang manonood na posibleng nagkaroon daw ng espesyal na ugnayan ang dalawa ‘romantically.’ “Grabe ‘yung romantically. Pwedeng crush muna? Kasi parang sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” nakangiting pahayag ni Chie.

Nakalabas na pareho sina Chie at Kyle mula sa loob ng bahay ni Kuya. Nagulat umano ang dalaga noong nalaman niyang nabigyan ng kahulugan ang pagiging malapit nila ng aktor sa isa’t isa. “Ang nagsabi sa akin actually ay ‘yung mga boss ng PBB. Nag-debrief po kasi and then, ‘yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it’s a special bond that we were able to create po. Kasi kami ‘yung parang takbuhan namin ‘yung isa’t isa. And he made me feel na pwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko,” pagbabahagi ng aktres.

Angelina, inalalayan ni Sunshine sa pagiging third party kina DonBelle

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang pasukin ni Angelina Cruz ang show business. Nagsimula bilang singer ang dalaga noon at ngayon ay sumabak na rin bilang isang aktres. Si Angelina ay ang panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Kabilang ang dalaga sa pelikulang Love Is Color Blind na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Ayon sa baguhang aktres ay talagang nahirapan din siya sa pagtawid mula sa pagiging singer at ngayon ay isa ng artista sa telebisyon at pelikula. “The transition from singing to acting is pretty challenging din. My last project was actually a sitcom (sa TV5). So very light lang siya and very different from filming a movie because it’s very detailed. Kaya I had to really learn, I had to adapt. They were able to guide me naman when it comes to emotions and to really become my character,” bungad ni Angelina.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa pamunuan ng Star Cinema dahil sa pagkakapili sa kanya para mapasama sa natu­rang proyekto. “I’m really so grateful to be able to be in a movie along with Star Cinema and of course DonBelle (tambalan nina Donny at Belle), and to be able to play Iris. I feel like the viewers will find her very interes­ting. She’s an interesting character. She’s confident, she’s smart and many more. They’ll find out sa movie. So I’m really grateful,” paglalahad ng dalaga.

Ang ina raw ang palaging nagbibigay ng payo kay Angeline pagdating sa pagtatrabaho. Inaalalayan ni Sunshine ang anak kung ano ang mga dapat gawin sa harap ng kamera. “When I told my mom about it, na ito ang first project at first movie ko, she would tell me to master the script, practice your lines, the basic advice. But more importantly, to really know your characters well. And to really know the idea of everything because that’s what really helps she told me. And actually during lock-in, if there’s lines na parang hindi ko ma-pronounce well, I would ask her to send me voice memos. She would help me naman,” natatawang kwento ng baguhang aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

CHIE FILOMENO

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with