^

PSN Showbiz

Mayor Joy, binibigay ang buong oras sa trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, binibigay ang buong oras sa trabaho
Mayor Joy
STAR/ File

Siyempre ang mayor ko para sa Quezon City ay si Joy Belmonte. Alangan namang baguhin ko pa eh enjoy na enjoy ako sa performance niya sa QC.

Hindi biro ang maging mayor ng pinakamalaking city sa buong Pilipinas ha, pero talagang binigay ni Mayor Joy  ang buong oras niya para sa city kaya naman contented ang lahat sa ginawa niya as a public servant.

Iyon lang pagbakuna sa napakaraming residente, isa nang malaking trabaho pero nakaya ni Mayor Joy.

Ngayon Protektodo at bakunado ang lahat sa QC. Pati sa booster, nauna na ring magbigay.

Kaya naman, kung puwede lang forever mayor siya, gagawin namin dahil nga sa maganda niyang performance.

Bongga ‘di bah!

Alden, meron ding bad days?!

Kahit nga si Alden Richards na ang pinaka-number 1 asset ay ang pagiging sweet at magalang, nagkaroon din ng issue tungkol sa pagbabago ng ugali. Sinasabi nila na ngayon daw medyo mahirap nang kausapin ito tungkol sa maliliit na bagay gaya ng mga pagbabago sa taping, sked o script.

Hindi rin ako maniniwala, ang hirap yatang mabago ang nakalakhan mo na. Mula’t sapul sweet at magalang si Alden, never mo siyang nakitang nagbago kahit sa pakikipag-usap. Saka nakita mo kung gaano siya alagaan nina Mama Tenten at Sam kaya alam mo na never magbabago si Alden.

Iyon ang mahirap sa ibang tao, minsan makita nila na wala sa mood ikakalat na agad nila na nagbago. Kung minsan sobrang mapag­­hanap ang followers ng stars, na dapat alam din na ang mga idolo nila napapagod at nagkakaroon din ng ng fatigue sa mga ginagawa nila.

Dapat mahaba rin ang pang-unawa nila, hindi ‘yung lagi na gusto nila nakangiti at attentive ang idol nila. Meron ding bad days sa buhay nila noh. Kaya dapat pasensiyoso rin kayo.

vuukle comment

ALDEN

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with