^

PSN Showbiz

Win at Bianca, wini-wish na matuloy sa altar

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Win at Bianca, wini-wish na matuloy sa altar
Win at Bianca.
Photo from Bianca’s Instagram account

Siguro nga sa altar na ang tuloy ng love affair nina Sen. Win Gatchalian at actress/former beauty queen na si Bianca Manalo.

Matagal na rin sila dahil nagbatian sila ng third year anniversary kamakailan, ibig sabihin inabot ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

Suwerte ni Bianca dahil binatang-binata si Sen. Win, achiever at malayo pa ang mararating ng political career nito.

Mukha naman compatible sila at masaya, kaya tuwang-tuwa din si Anna Mejia na ang laging dasal ay makapag-asawa na ang big boss niyang si Sen. Win.

Sana nga ito na ang the one for both Win and Bianca para makakita na naman tayo ng big wedding - politics and showbiz combination.

Wedding bells na para may katulong na sa kampanya si Win. Sure ako marami rin boto na makukuha si Bianca para sa kanya.

FPJ, nabubuhay ang alaala ‘pag Pasko

Isa sa mga maalala ko tuwing December ay si Da King Fernando Poe Jr. Kasi nga si FPJ ang star na nagpapadala ng regalo niya kahit saan ka nakatira.

For so many years, siya ang sign na Pasko na dahil matatanggap mo na ang isang sakong bigas at red envelope. At parang namana ni Sen. Grace Poe ang magandang habit na ito ni FPJ dahil ugali rin niya na ipadala personally kahit saan pa ang bahay mo kung anuman ang ibibigay niyang Christmas gift sa iyo.

So sweet, parang si Manay Inday Susan Roces.

Kung buhay pa si FPJ sure ako na very proud siya sa anak na si Sen. Grace. Makikita niya kung paano ito magtrabaho bilang senador. Kung paanong ayaw nito na mabahiran ng anumang iskandalo ang pangalan dahil sa pag-iingat niya sa iniwan na legacy ng father niya.

I am sure, proud na proud siya sa tuwing lumalabas ang pangalan nito bilang isa sa pinaka-trusted na public servant.

At kahit pa nga nasa pulitika na siya nanatili siyang anak ng showbiz dahil kahit kelan hindi niya pinutol ang pagmamahal sa industriya kung saan nanggaling sila FPJ at Susan Roces.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with