^

PSN Showbiz

Jennylyn at Dennis, nag-gender reveal na!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn at Dennis, nag-gender reveal na!
Dennis at Jennylyn
STAR/ File

Nakaranas din ng uso ngayong baby gender reveal ang showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Baby girl ang gender ng ipinagbubuntis ngayon ni Jen. Wish granted kumbaga sa mag-asawa.

Eh nang magkaroon kasi sila ng anak, hindi pa uso ang gender reveal o kung uso man eh, wala pang social media that time na magkaroon sila ng anak.

Si Jen, nabuntis kay Patrick Garcia at lumabas ang lalaking anak nila na si Jazz. Wala ring kinahinatnan ang relasyon nila.

May sarili nang pamilya si Patrick at hindi na siya aktibo sa showbiz.

Biglaan din ang pagkakaroon ng anak ni Dennis sa isang beauty queen at si Calix ang naging baby nila. Hindi namin alam kung ano na ang buhay ngayon ng beauty queen.

Siyempre pa, natupad ang hiling nina Jen at Dennis na magkaroon ng anak na babae. Saka malalaki na ang mga anak nila kaya tiyak na spoiled ang lalabas nilang anak na babae, huh!

Bela, sumagot sa pagtira sa london

Hindi naman daw gone for good na si Bela Padilla ayon sa kanyang tweet.

Based ngayon sa London si Bela. Ang kasalukuyang pandemic ang rason ng pagtalikod sa show pansamantala.

Bahagi ng tweet ng aktres-director na nagtatanong kung nag-quit na siya sa trabaho niya, “I have a movie coming out on February and had a call from Viva yesterday to write my next film already.”

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with