^

PSN Showbiz

Jennylyn at Dennis, kasal na?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn at Dennis, kasal na?!
Jennylyn at Dennis.

Wow kasal na rin pala sina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado base sa padala ng isang friend ni tita Aster Amoyo.

Pero walang details, photo lang din ang nakita namin.

Malamang ilalabas nila ang buong details nito sa kanilang vlog kung actual na kasalan nga ang nakunan at naganap.

Engaged na since October sina Dennis and Jennylyn at magkaka-baby na sila. Four months preggy na ang actress na na-discover lang niya sa taping ng teleserye sana nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat.

Nauna nang sinabi ni Dennis na lagi lang siya sa bahay pagkatapos ng teleserye niyang Legal Wives na natapos na last Friday dahil inaalagaan nga niya ang aktres.

May gagawin naman daw siya pero special appearance lang at hindi siya kasama sa main cast kaya mabilis lang ‘yun.

 Maaalalang ikinuwento nila sa vlog ang pinag­daanan nila nang planuhin ang surrogacy.

Dalawang beses silang hindi nagtagumpay dito hanggang may nag-advise sa kanilang sa abroad mas malaki ang kanilang tsansa.

Makikita nga sa kanilang vlog ang pagbiyahe nila sa Amerika para sa nasabing procedure.

Mapapanood din sa nasabing vlog ang tiniis ng aktres ang sakit ng injection sa kanyang lower abdomen araw-araw para magkaanak sila ni Dennis.

Na ayon pa kay Jennylyn ay parang pinupunit ang laman niya habang pumapasok ang gamot. Na nang makakuha raw ang eggs niya, parang nanganak ang naramdaman niya.

Nakilala na rin sana nila ang magdadala sa kanilang anak at pirmahan na lang ang kailangan nang malaman niyang buntis na siya.

 

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with