^

PSN Showbiz

Kandidato mas piniling mag-ikot, tinanggihan ang P20m network exposure!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bisi-bisihan na rin ang ilang pinakawalang middle men ng ilang media outlets.

Target ng mga middle men ang ilang kandidato sa national positions. Nag-o-offer sila ng iba’t ibang package para sa exposures ng kakagat na kandidato upang lumawak ang reach lalo na sa malalayong probinsiya.

Nilapitan ng middle men na ito ang isang kandidato. Nilatag ang package para bongga ang exposure sa network nito.

Nawindang sa laki ng halaga ng package ang kandidato – P20M! Hindi niya ito pinatulan.

Magsisipag na lang daw ang kandidato sa pag-iikot kesa patulan ang mga inihahain ng ilang networks sa kandidatura niya!

Alden, ilalantad ang mga sikreto sa concert

Sasabak na naman si Alden Richards sa isang concert sa Jan. 30, 2022.

Isang one of a kind concert ito ni Alden na titled Forward: Meet Richard R. Faulkerson Jr.

Isi-share raw ng Asia’s Multimedia Star ang sikreto niyang hindi pa alam ng publiko sa mahigit isang dekada niya sa showbiz.

Tipong documentary concert ito ni Alden na ngayon lang niya gagawin.

Wala pang detalye kung may live audience sa Forward concert niya o virtual.

January 2 ang birthday ni Alden.

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with