^

PSN Showbiz

Christopher De Leon, naalala sa naging kapalaran ni Alec Baldwin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Christopher De Leon, naalala sa naging kapalaran ni Alec Baldwin
Christopher De Leon
STAR/ File

Si Christopher de Leon ang naalala ko sa nangyari kay Alec Baldwin kung saan aksidente siyang nakapatay sa shooting ng pelikula nilang Rust.

Bagama’t blank bullet ang tumama noon kay Boyet, na-ICU siya at naagapan ng mga doktor ang infection nang tamaan sa singit sa taping noon ng Kambal, Karibal.

Inoperahan noon si Christopher matapos siyang isugod sa Emergency Room dahil sa pananakit ng legs na tinamaan ni Marvin Agustin sa last taping day nila kung saan papatayin sa eksena si Boyet noong 2018.

At sabi raw noon ng doktor, kung tumaas pa ‘yung tama sa groin o singit nito may posibilidad na namatay noon si Christopher.

Anyway, halos dalawang linggo na nga ang nakalipas pagkatapos maganap ang malalang aksidente sa set ng pelikulang Rust kung saan nakapatay ang .45-caliber revolver na pinaniniwalaang ligtas sa isang rehearsal pero pumatay sa cinematographer na si Halyna Hutchins at nasugatan ang direktor na si Joel Souza, ayon sa Santa Fe County Sheriff’s Office.

Kahapon ay itinanggi ng Hollywood veteran actor ang bintang na walang safety protocols™ na sinusunod sa kanilang set kaya nagkaroon ng ganung aksidente.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with