^

PSN Showbiz

Mayor Joy, pinalakas ang loob ng mga senior

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, pinalakas ang loob ng mga senior
Mayor Joy
STAR/ File

Sayang, Salve, dahil nawalan ng isang boto si Mayor Joy Belmonte.

Alam mo ba na ‘yung namatay sa COVID na sinasabi ko idol na idol si Mayor Joy dahil nang araw na nagpabakuna siya, nagpunta personally si Mayor Joy ng QC sa mismong vaccination site. Kinausap niya mga nagpapabakuna, binigyan ng lakas ng loob ang mga senior na nandun, kaya puring-puri siya ng naging COVID victim na naging instant fan niya.

Talagang balak nito na maglagay ng streamer at mga campaign materials ni Mayor Joy sa bahay niya para makatulong sa kampanya ni Mayor Joy  sa QC. Talagang naging solid fan siya, pero iyon nga, kahit may bakuna na, unfortunately namatay pa rin sa COVID.

Kaya nga isang aral ito para sa lahat, dapat maingat pa rin, hindi insu­rance ang bakuna, ‘pag hindi ka nag-ingat puwede mo pa ring ikamatay ito.

Dapat talagang kahit may proteksiyon na, gawin pa rin ang health protocols. Ingat-ingat.

Pero sure ako, buong pamilya ng naging fan ni Mayor Joy  ay boto pa rin sa kanya, sayang nga lang ‘yung isa na nawala, pero solid Mayor Joy pa rin ang pamilya nila.

Bong, mabilis tumulong

Now alam ko na kung bakit ganun ko kamahal si Bong Revilla.

Lately, emotional ako na nag-iisip kung ano ang mangyayari, halimbawang biglang may mangyari sa akin. Mag-isa lang halos ako dahil nasa USA ang dalawa kong anak. Patay na lahat ang apat kong kapatid, at ang mga naiwan na pamangkin ko, parang hindi naman ganun ka-sharp tulad ni Vanessa na sa Cavite naman nakatira.

So sa emergency, who will take responsibility? Upset ako dahil nakita ko ‘yung situation ng isang COVID victim, na walang naging option kundi makiusap sa in-law para ayusin ang lahat ng dapat ayusin hanggang cremation.

Parang scary na all alone ka sa hour of your death. Then naalala ko ‘yung ginawa ni Bong Revilla kay Isah Red. Namatay si Isah sa bahay niya, at hindi agad nakara­ting ang mga kapatid niya. Nataranta ang mga pamangkin dahil ‘pag sa bahay ka pala namatay kailangan may SOCO report bago kunin ng funeral parlor. Hindi pala puwedeng basta kukunin lang, so taranta ang lahat. Nakarating kay Bong Revilla nang tawagan siya ng mga kaibigan ni Isah na nag-asikaso sa kanyang katawan. Agad-agad ina­sikaso nila ang lahat at hindi iniwan mga pamangkin ni Isah Red hanggang hindi maayos ang wake. Bumalik pa sila ni Lani Mercado ng unang gabi, hanggang huling lamay.

Close man sina Isah at Bong, mas masasabi kong mas closer ako kina Bong at Lani. Naisip ko, kung nagawa ito ni Bong kay Isah, mas lalo niyang gagawin para sa akin. ‘Yung gesture na iyon ni Bong Revilla kahit ano pa ang sabihin ng mga tao is very commendable. Hindi na ‘yung pagod sa pag-aasikaso, ‘yung oras, iyon lang ibinigay niyang effort, grabe na siguro para hindi ko siya mahalin. Puwedeng meron siyang flaws, pagkukulang, mga bagay na nagawa na puwede mong ipintas sa kanya, pero one thing is sure, isa siyang mabuting tao. ‘Yung puso niya talagang malambot pagdating sa pagtulong.

Ngayon hindi na ako masyadong takot, dahil tiyak ko ‘pag may nangyari sa akin, may isang Bong Revilla na mag-aasikaso, magbibigay oras habang hindi maayos ang kinalalagyan ko. Ngayon pa lang, salamat, thank you, Bong.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with