^

PSN Showbiz

Aktor na dating alaga ng negosyanteng bading, todo post ng katawan para makahanap ng bagong raket

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matinding naapektuhan ng pan­demya ang buhay at career ng isang male personality. Wala siyang gaanong trabaho, mailap ang proyekto sa kanya ngayon, kaya natural lang na sobrang apektado rin ang kanyang kabuhayan.

Nu’ng wala pa ang pandemya ay nakatikim ng marangyang buhay ang male personality na ito dahil naging boy toy siya ng isang gay businessman.

Pero nagkaroon ng problema, kinailangan nilang maghiwalay, kaya ayaw man niya ay kailangan na niyang lumipat ng tirahan dahil pinaaalis siya ng misis ng negosyante.

Kuwento ng aming source, “Magmula nu’n, nawindang na ang buhay ng male personality, palagi na siyang kapos, kaya may-I-utang siya sa mga kasamahan niyang artista.

“Ang problema, e, pare-pareho lang naman silang apektado ng pandemya, wala ring masyadong work ngayon ang mga kasamahan niya, kaya walang maikutan ang male personality.

“Goodbye na siya sa marangyang buhay, isa na lang ang kotse niya ngayon, samantalang dati, e, tatlong sasakyan ang pinagpapalit-palitan niyang gamitin!

“At umuupa na lang sila ng tirahan ngayon, kailangan niyang magtiis, dahil lumipad na sa alapaap ang pinagkukunan niya ng datung!” matinding unang sultada ng aming impormante.

May pinagkakaabalahan ngayon ang male personality, ang kunan niya ng larawan ang kanyang katawan, para mai-post niya sa kanyang account.

“Naku, du’n siya abalang-abala ngayon, habang wala pa siyang ginagawang project, e, ang katawan muna niya ang pino-project niya ngayon.

“Kailangan niyang kumilos, kailangan niyang maghanap ng bagong pagkukunan ng kabuhayan niya, hindi ‘yun lalapit sa kanya! Abala siya sa paghahanap ng bagong makakarelasyon!

“Nakakaloka nga ang male persona­lity na ‘yun, e! Meron na siyang girlfriend, pero umaarubayto (read: sideline) pa siya sa beki!

“E, du’n nga siya nabukelya ng dati niyang gay provider, sumusumpa siyang nag-iisa lang ang beki sa buhay niya, pero namamangka pala siya sa dalawang ilog!

“Loko! Buking siya! Kaya goodbye na siya sa buhay na wala siyang pinoproblema dahil ibinibigay ‘yun ng gay provider niya!

“Imperness, guwapo siya, kaso lang, bilbilic beauty siya, ha? Mabilbil ang male personality, paliitin niya muna ‘yun, para makahanap siya ng bagong kostumer!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Pamilya ni Aljur, ayaw makisawsaw

Sa kabila ng kontrobersiyang kinapapalooban ngayon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay wala tayong anumang naririnig-nababasa mula sa pamilya ng aktor.

Napakatahimik lang nila. Wala silang sinasabing anumang laban kay Kylie pero siguradong ikinabigla nila ang matapang na pagpo-post ng paghahamon ni Aljur.

May mga kolumnista ring kumokontra kay Aljur, pumipitik ang mga manunulat sa kanya paminsan-minsan, pero hindi nagtatanim ng sama ng loob ang pamilya Abrenica sa mga manunulat.

Nirerespeto nila ang pag-oopinyon ng mga reporters, alam nila ang pinasok na trabaho nina Aljur at Vin, hindi sila puwedeng maging balat-sibuyas.

Hindi sila maihahalintulad sa ibang magulang ng mga artista na konting kibot lang ay nakikisawsaw na. Malayo pa ang karayom ay parang pigsang pumuputok na.

Hindi sila ganu’n dahil nirerespeto nila ang kalayaan sa pamamahayag. Hindi nila pinepersonal ang mga kolumnistang nagbabahagi lang naman ng kanilang opinyon tungkol sa kontrobersiya.

At bahagi ng buhay-artista ang mga intriga, hindi sila maaaring makaiwas, dahil pampublikong buhay ang pinasok nila. Kung ayaw nilang napipitik, kung ayaw nilang pinapansin ang kanilang mga sinasabi at ginagawa, tumira sila sa bundok ng Timbukto.

Hangang-hanga sa pamilya Abrenica ang aming mga nakakausap. Maa­yos kasi ang pagpapalaki nina Daddy Jojo at Mommy Amor sa kanilang mga anak.

Disiplinado sila. Kungdi pa nga naramdaman ni Aljur na nakadapa na siya ay sinsisipa-sipa pa ay malayo niyang magagawa ang paghahamon kay Kylie kung sino ba ang unang nangloko sa kanilang dalawa.

Ipagpapatuloy na lang sana ni Aljur ang kanyang pananahimik, pero sobra-sobrang sakit na ang kanyang tinatanggap, kaya pagpapakatotoo ang hiniling niya kay Kylie.

Kailangang malaman ng publikong pinagsumbungan ni Kylie ang katotohanan. Dapat ding malaman ni Robin Padilla ang totoong bersiyon ng kuwento.

Kailan pa naging krimen ang paghingi ng hustisya?

vuukle comment

ALJUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with