^

PSN Showbiz

Pinoy films, inaapelang gawing prioridad ng mga sinehan ‘pag nagbukas

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa ngayon ay wala pa ring may nagbubukas na mga sinehan. Pinagha­handaan pa raw ito, naglilinis, inaayos ang mga upuan, na binawasan na, at tinitiyak na maayos ang ventilation.

Pero iisa ang hiling ng mga taga-movie industry; bigyang priority ang local films.

Inaabangan na kasi ng karamihan ang mga malalaking Hollywood films kagaya ng James Bond movie na No Time To Die.

Pero ang kuwento ng ilang kaibigan sa Amerika, kahit bukas na ang mga sinehan nila roon, hindi ito ganun kalakas.

Naibahagi nga sa amin ng kaibigan naming si Louie Alejandro na nasa Arizona, USA, sinubukan daw niyang manood ng sine doon, at pinanood niya itong James Bond movie. Lilima lang daw sila sa loob ng sinehan.

Iyon din ang pakiramdam ng karamihan dito sa atin. Kahit magbukas na ang mga sinehan, maaaring takot pa rin ang mga taong pumasok at maglagi ng mahigit isang oras sa loob ng sinehan.

Bukod sa takot pang manood sa loob ng sinehan, maaaring ang iba ay walang perang pang-movie. Ang daming walang trabaho sa atin, kaya uunahin muna tiyak nila ang makakain sa araw-araw, bago bumili ng ticket sa loob ng sinehan.

Pero sa ngayon ay puspusan na ang pagsisi­mula ng Film Development Council of the Philippines ng kampanya nilang Nood Tayo Ng Sine. “Ang programang ito ay para buhayin sa alaala ng mga manonood ang experience ng panonood ng pelikula sa sinehan.

“May mga interview tayo with directors, artists and moviegoers para ma-share ang importance ng panonood sa sinehan.

“Advocacy campaign din ito para iapela sa mga theater owners ang pag-prioritize ng mga Filipino films at pag-screen ng mas matagal ang mga pelikulang ito sa sinehan,” pahayag ni FDCP Chairperson Liza Diño nang maka-chat namin nung nakaraang Lunes.

Isa rin si Madam Liza sa nagpupursiging local films muna ang uunahing ipalabas sa mga sinehan, bago ang foreign films.

“Patuloy ang pag-engage ng  FDCP sa ating mga exhibitor to prioritize screening of Filipino films lalo pa ngayong kailangang kailangan ng producers ang kita mula sa sinehan para makabawi sila at maging hudyat ng unti-unting pagbangon ng local industry.

“We have also asked for the support of DTI about this. Kasama sila sa board ng FDCP and they fully support this appeal para matulungan ang film industry sector,” saad pa ng FDCP Chairperson Liza Diño.

Isa nga sa inaabangan ay ang Pista Ng Pelikulang Pilipino na dapat ay naka-schedule na sa susunod na buwan. Pero dahil sa kapos pa sa panahon para sa promo nito at hindi pa nakapili ng mga entries, imu-move ito ng ibang date.

Pero tinitiyak ni Chair Liza na tuluy na tuloy ito.“Initially, this was the suggestion event to pilot the opening of the cinemas pero nag-ECQ bigla. So, right now, we resumed our talks with the cinemas for this partnership para matulungan ang mga local producers lalo na ang mga merong pelikulang na­kabinbin at hindi pa ipinapalabas.”

vuukle comment

FDCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with