^

PSN Showbiz

Nagdadalang taong sikat na aktres hihintayin munang manganak bago tapusin ang serye, actress/ tv host nakunan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Habang pinag-uusapan pa ang tungkol sa sikat at magandang aktres na napapabalitang nagdadalangtao, meron kaming nasagap na buntis na rin daw ang isang actress/TV host.

Good news ‘yun para sa kanya at sa buong pamilya, dahil may asawa naman siya. Pero ang malungkot lang na balita ay hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis, dahil nakunan daw ito.

Ang sad, I’m sure nito sa kanya.

Pero masayahin naman itong si actress/TV host, at sa tingin ko keri na niyang tanggaping wala pa sa tamang panahon ang pagkakaroon niya ng baby.

Bata pa naman siya, at sa tingin ko ibibigay sa kanya ng Panginoon ang baby kapag handang-handa na siya talaga.

Samantala, wala pang pahayag ang sikat at magandang aktres tungkol sa isyung buntis.

Kailangan daw muna niyang magpahinga ayon sa payo ng kanyang doktor,

Medyo mahirap daw kasing magbuntis si aktres, kaya dapat talaga niyang pag-ingatan.

Ang latest na nabalitaan namin, hihintayin na lang daw ng network ang kanyang panganganak at saka na ituloy ang nakabinbin niyang project.

Pero abangan na lang natin kung ano na ang magiging final decision sa naka-hold na project ni sikat na aktres.

Derek, bumabawi sa mga guro!

Congratulations sa Gabay Guro Foundation sa napaka-successful na event nila kahapon na taun-taon nilang ibinibigay sa ating mga guro.

Ang tema ng kanilang selebras­yon kahapon ay Heroes for Digital Transformation kung saan ay patuloy nilang inalalayan ang teachers na maging digital na.

Kuwento nga sa amin ng Chairperson ng Gabay Guro Foundation na si Ms. Chaye Cabal-Revilla, dito raw sila naka-focus ngayon na gabayan ang mga guro sa digitalization, lalo na sa senior teachers na hindi naman ganun ka-techy.“Kasi, some of our more senior teachers are not digital savvy ‘di ba? One of the challenges talaga ‘yun. Ang kagandahan nun, when we launched our Gabay Guro app, ‘yung young generation of teachers, we trained them to use the app at sila na rin ‘yung nagtuturo digitally sa mga more senior teachers.

“Nakaka-touch ‘yun na even if they don’t know each other they’re able to coach each other and learn from each other.

“For the Gabay Guro team, we also have the Saturday and Sunday digitalization training.”

Papasok na itong foundation sa pang-15 taon at lalong dumarami ang mga gurong natutulungan at napapasaya sa kanilang annual event at lalo ring dumarami ang celebrities na nagbu-volunteer sa event na ito.

Ngayong taon ang may pinakamaraming celebrities na sumali at nagbigay ng kanilang entertainment numbers digitally. Hosts naman sina Iza Calzado, Atom Araullo at Pops Fernandez. Kasama rin sina Derek Ramsay at Dominic Roque.

Sabi nga ni Ms. Chaye, bumabawi raw ngayon si Derek dahil sa hindi ito nakasali nung nakaraang taon, dahil takot na takot pa siya noon sa COVID. Ngayon ay kasama na siya, at siyempre kinuha ni Derek si Ms. Chaye na mag-ninang sa kasal nila ni Ellen Adarna.

“Sis Ninang na ang tawag niya sa akin ngayon,” pakli ni Chaye Cabal-Revilla. “Super love ko si Derek. He’s a brother to me. I call his parents Mom and Dad din eh. So, happy ako sa kanya. Basta kung saan siya happy, dun ako,” dagdag niyang pahayag.

Kaagad na nagkasundo raw sila ni Ellen dahil pareho silang Bisaya. “Eh ang mga Bisaya malalambing, gwapa.

“They both deserved to be happy,” sabi pa ni Ms. Chaye.

vuukle comment

CHAYE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with